DEKLARASYON NI SEC. TIU NG ‘FOOD SECURITY ON RICE’ NAGPABABA BA SA PRESYO NG BIGAS?

“SA pagdeklara ni Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel Jr. noong nakaraang Lunes ng isang ‘food security emergency on rice’, bumaba na kaya ang presyo ng bigas sa mga pamilihan?”, ito ang naging pahayag ng ilang mamamayan na nakapanayam ng ROADNEWS Investigative Team (RIT).

Ayon sa kanila, matagal nang mataas ang presyo ng bigas sa mga pamilihan na hindi nasosolusyunan ng gobyerno. Imbes na bumaba ang presyo ng bigas dahil sa pagpasok sa bansa ng mga imported na bigas ay nananatili itong mataas.

Binanggit pa nila na mabuti pa dati may nabibiling P32 per kilo ng bigas ng NFA, simula nang ipagbawal ng gobyerno na magbenta ng bigas ang NFA sa mga pamilihan ay wala nang mabibili ang taumbayan na P32 kada kilo ng bigas.

Nauna rito, kamakailan ay nagdeklara si Sec. Tiu ng isang ‘food security emergency on rice’, base sa rekomendasyon mula sa National Price Coordinating Council (NPCC). Ang kagipitan sa seguridad ng pagkain ay naudyukan ng “extra-ordinary” pagtaas ng presyo ng lokal na bigas, na nagpapatuloy sa kabila ng mas mababang presyo sa pandaig-digang pamilihan at pagbaba ng mga taripa noong Hulyo.

“This emergency declaration allows us to release rice buffer stocks held by the National Food Authority (NFA) to stabilize prices and ensure that rice, a staple food for millions of Filipinos, remains accessible to consumers,” ani Secretary Tiu Laurel, ipinapaliwanag ang katwiran sa likod ng pagpapalabas ng Department Circular No. 03.

Ang desisyon ay sumusunod sa isang pagpapasiya ng NPCC, na pinamumunuan ni Trade and Industry Secretary Maria Cristina Roque na habang ang mga pangdaigdigang presyo ng bigas ay bumaba at binawasan pa ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., ang taripa ng bigas mula 35 porsyento hanggang 15 porsyento noong Hulyo, upang mapababa ang presyo ng bigas. Subalit ang mga lokal na presyo ay nananatiling mataas.

Binanggit ng NPCC ang data mula Philippine Statistics Authority (PSA) na nagpakita ng rice inflation na tumaas sa 17.9 porsyento noong Setyembre 2023, lampas sa target ng gobyerno na 4 porsyento para sa food inflation. Malayong lumampas sa target ng gobyerno na 4 na porsyento para sa inflation ng pagkain.

Nanatiling mataas ang halaga ng regular at well-milled rice, tumaas ng 19 porsyento at 20 Porsyento, ayon sa pagkakabanggit, kumpara sa nakaraang taon. Ang inflation ng bigas ay 4.2 porsyento lamang noong Hulyo 2023. Sa ilalim ng Republic Act No. 12078, isang kamakailang pag-amyenda sa Rice Tariffication Law, ang Agriculture Secretary ay binigyan awtorisasyon para magdeklara ng isang food security emergency bilang tugon sa hindi pangkaraniwang pagtaas ng presyo.

Ang probisyong ito ay nagpapahintuloy sa pinuno ng DA na idirekta ang NFA, na legal na ipinagbabawal sa pagbebenta ng bigas nang direkta sa publiko, maglabas ng buffer stocks sa mga ahensiya ng gobyerno, local government units, at ang programa ng Pangulo sa KADIWA.

Ang mga pagkilos na ito ay naglalayong patatagin ang mga presyo ng bigas at protektahan ang mga mamimili mula sa karagdagang pagtaas ng presyo. Ang rekomendasyon ng NPCC, na tinukoy ang “pambihirang” katangian ng pagtaas ng presyo, ay napakahalaga sa pagudyok kay Kalihim Tiu Laurel na kumilos nang mabilis.

(RoadNews Investigative Team)