ATE SARAH DISCAYA, NASA PUSO ANG PAGTULONG!
Sa isang ambush interview kay Sarah Discaya noong nakaraang Sabado sa Brgy San Miguel Pasig, kung saan nagsasagawa ang grupo ni Discaya ng Lireng Medical Mission.
“Wala pa sa isip namin ang pulitika ay may mga charity works na kaming binibigay at ginagawa” ani Discaya. Kaya naman madaming nag-encourage na sila ay tumakbo at dahil na din sa pusong maka-masa na may kaakibat na pagtulong sumagayon na din sila at opo tumakbo na po si ate Sarah Discaya para sa public office.
Tanong naman ng iba, bakit pa kayo tatakbo madami naman na kayong negosyo at mayroon sapat or higit pa na kinikit? “Yun nga po kasi sa aking pakiramdam! ay parang may kulang pa. Yung kahit tumutulong naman kami bilang private na tao, madami nga lang talagang nakikita na mas makakatulong at mas madaming magagawa kung tayo ay nakaupo sa public office” sagot naman ni Discaya
“Iisa lng po ang gusto naming, makapgsilbi ng taos sa puso at maibigay sa mamamayan ng Pasig ang dapat na para sa kanila ung maramdaman nila na mahalaga sila” dagdag pa niya
“Kung kami man ay nakakapag-negosyo sa Pasig dati ay pribado naman kami at higit ang aming nagagastos para ibalik ito sa mga nangangailangan nating kababayan, kaya malayo na bawiin namin ang aming mga tinutulong dahil kagustuhan namin ito at galing sa puso naming. Kaya ung mga perception na baka bawiin or mangurakot, wala po sa aming prinsipyo yan, d po namin gagawin yan,” paliwanag ni Ate Sarah
Dagdag pa niya “Ang aming lang gusto, ay totoong pagtulong at pagmamalasakit”
Para sa RoadNews Buboi Patriarca
