MATINDING INIT NGAYONG SUMMER, INAASAHAN NA

0

MULI na namang nangangamba ang mga Pilipino, partikular ang mga nakatatanda o senior citizens, sa pagpasok ng tag-init sa bansa ngayong summer.

Madalas na pag-atake ng pagtaas ng presyon ng dugo (highblood) ng mga senior citizens sa tuwing sumasapit ang mga buwan ng Marso, Abril at sa unang Linggo ng Mayo, taun-taon.

Sa mga buwan na ito, nakararanas ng matinding tag-init sa Pilipinas na kung saan ay nakapagtatala ng maraming inaatake ng highblood na kung minsan ay humahantong pa sa heat stroke sa hanay ng mga nakatatanda.

Dahil dito, nitong nakaraang Marso 3, 2025, maraming Local Government Units (LGUs) ang nagdeklara ng walang pasok sa kani-kanilang nasasakupang mga paaralan dahil sa matinding init  na nararanasan.

Sa inilabas na listahan ng Department of Education (DepEd), kabilang sa mga walang pasok sa lahat ng levels, public man o private na eskwelahan sa National Capital Region (NCR) ay ang Malabon City – All levels, public and private; Valenzuela City – Kinder to senior high school, public and private (No face-to-face classes); Caloocan City – Kinder to senior high school, public (No face-to-face classes); Las Piñas City – All levels, public and private (No face-to-face classes); Parañaque City – All levels, public and private (No face-to-face classes); Manila City – All levels, public and private (No afternoon classes); Marikina City – All levels, public and private (No afternoon classes); Valenzuela City Technological College – No face-to-face classes at La Salle Green Hills – Preschool to Grade 12 (No face-to-face classes).

Inanunsyo ang suspension of classes kasunod ng babala mula sa PAGASA ng isang potensyal na nakamamatay na heat index ng 46’C. Maaari rin itong maging sanhi ng dehydration, o pagkawala ng likido sa pamamagitan ng pagpapawis, na humahantong sa pagkapagod, pagkahilo o kahit na pinsala sa mga bata.

(Joselito Amoranto)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *