Atty. Vic Rodriguez Patuloy Sa Pag-angat
NANINIWALA ang mga Pilipino na isa sa mga papasok sa mga senador na tumatakbo sa ilalim ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ay si dating Executive Secretary Atty. Vic Rodriguez.
Sa panayam ng ROADNEWS sa mga Pilipino nakita nila ang malinaw ang pandidigan ni Atty. Rodriguez laban sa mga korapsyon na nangyayari ngayon sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr.
Kabilang sa mga ipinaglalaban ni Atty. Rodriguez ay ang pag-kuwestiyon sa 2025 national budget na kung saan ay may mga isiningit na kuwestiyunable na posibleng maging ugat ng katiwalian.
Kinuwestiyon din ni Atty. Rodriguez ang maling pag-alis ng malaking pondo ng kasalukuyang administrasyon ng Philhealth na ang apektado ay ang ordinaryong mamamayan.
Ipaglalaban din ni Atty. Rodriguez na mapababa ang ‘threshold’ mula sa 50 milyong piso ay gagawin niyang 1 milyong na lamang ang kasong plunder o pandarambong.
Binatikos din ng dating Executive Secretary ang 5,500 flood control project ni PBBM na hindi malaman kung saan napunta na naging dahilan ng pagkamatay ng nasa 200 kabataan na naapektuhan ng mga pagbaha sa Bicol region dahil sa dulot na bagyo na nanalasa sa lugar.
Matatandaan na isa sa mga dahilan na kaya bumitiw si Atty. Rodriguez sa administrasyon ni PBBM, dahil hindi nasunod ang kanilang napag-usapan na ayusin at mawala ang korapsyon sa gobyerno.
Ang mga magandang plano na ito ni Rodriguez ay nagiging daan kaya patuloy ang pag-angat sa pagtanggap sa kanya ng mga Pilipino.
Matatandaan na kinuwestiyon kamakailan ni Atty. Rodriguez sa Korte Suprema ang legalidad ng 2025 national budget na binigyan ng 10 araw na sagutin ng Mababang Kapulungan Kongreso, Senado at ES. Exec. Lucas Bersamin ang petisyon ng dating ES Secretary.
Kaugnay nito, dahil sa nangyaring pag-aresto ng mga pulis kay dating Pangulong Duterte ay lalong tumaas o umangat ang mga kandidatong senador sa ilalim ng Pangulong Digong kabilang na si Atty. Rodriguez.
Sa katunayan sa panayam ng isang media anchor kay Senador Panfilo Lacson na kandidato ngayon sa ilalim ng kampo ni PBBM ay inamin niya na bumaba o humina ang pagtanggap sa kanila sa mga probinsiya.
Sinabi pa ng senador, na nakakaranas sila ng pagbabatikos ang administration candidates mula sa mga tao sa mga lalawigan kung saan sila nagsasagawa ng pangangampanya.
Si Atty. Rodriguez ay tumakbong senador bilang tugon sa hamon sa kanya ng grupong MAISUG na pamunuan ang tunay na oposisyon sa senado.
(Joselito Amoranto)
