PULITIKA SA SAN CARLOS CITY, PANGASINAN, MAGBABALIK BA SA NAKARAAN O MAGPAPATULOY SA KASALUKUYAN?

edizon

MAGKATUNGGALI ngayon sa pagtakbong mayor ng San Carlos City ang magkumpare na sina incumbent Mayor Julier “Ayoy” Resuello at City Councilor Lester Soriano.

Sa naririnig nating bulong-bulungan ng mga San Carlenians, maraming nagsasabi na magbabago na umano o magpapalit na ng mayor ang syudad ng San Carlos. Ngunit, marami namang nagsasabi na mananatili pa rin at magla-last term umano angpipiliin ng mga taga-San Carlenians–ang matagal nang nanunungkulang mayor na si Ayoy Resuello.

Mananalo pa umano si Resuello dahil kitang-kita umano ang progreso ng San Carlos City, na sinimulan ng kanilang AMA na mayor noong si Julian V. Resuello, na pinaslang noong kasagsagan ng piyesta ng lungsod.

Sa partido naman ni City Councilor Soriano, anila ay patuloy at mas pauunlarin pa ang syudad ng San Carlos, kapag ito ang naluklok sa puwesto bilang bagong ama ng lungsod.

Sagot naman ni incumbent mayor sa kanyang mga talumapati na maayos at maunlad na raw ang syudad ng San Carlos.

BAGAMAN minsan ang magkabilang partido ay may mga patutsadahan, ay laro lamang ito ng PULITIKA. At kung minsan ay ang mga alipores o tagasunod ang masyadong nagbibigay ng maling interpretasyon sa mga pahayag ng mga kandidato, Alam na this! S’yempre kunting PA-EPAL na kung sakali ay magkaroon ng pagkakataon makapwesto.

Sa kabilang banda, dito sa PULSO NG MASA SA ROADNEWS, sa mamamayan ng San Carlos City ay usisain at pag-isipang mabuti at maging basehan sa PAGPILI hindi PAGBILI ng mga BOTO, ang mga nagagawang mabubuti para sa bayan at mamamayan—dahil tatlong taong pagtitiis kung maling kandidato ang mauupo dahil sa ating maling pagpili.

Sa ibang banda naman, marahil maganda ang intensiyon sa bayan ng mga kandidato, ngunit ang tanong ng karamihan: Babalik pa ba sa nakaraan? o magpapatuloy sa kasalukuyan?