2 Patay sa bumagsak na Cessna plane sa Lingayen

ISANG Cessna plane ang bumagsak sa isang swampy area sa Barangay Libsong East, Lingayen, Pangasinan, umaga ng Marso 30, 2025.

           Ayon sa ulat, namatay ang piloto at ang estudyanteng piloto sa bumagsak na eroplano.

            Ang eroplano ay nagmula sa Lingayen Airport at nag-crash matapos mag-take off makalipas ang ilang minuto. Ang mga biktima ay isang 31-anyos na piloto mula sa Baguio City at isang 25-anyos na estudyanteng piloto mula sa Bulacan.

Ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang namumuno sa imbestigasyon sa insidente. Ang eroplano ay pag-aari ng Pilipinas Space and Aviation Academy, Inc.

(Weng Torres)