BBM ADMIN NATARANTA SA KALIWA’T KANANG RALI, NAKIPAGSABWATAN SA CPP-NPA-NDF? 

big j

IBINULGAR ni Jeffrey “Ka Eric” Celis, dating kadre ng CPP-NPA-NDF  na nakipagsabwatan na sina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos. Jr., at House Speaker Martin Romualdez sa mga teroristang/komunista upang magpasabog ng kaguluhan sa iba’t-ibang lugar sa bansa.

Sa panayam ng political vloggers kay Ka Eric, habang EDSA Shrine, Quezon City, ay sinabi nito na ayon sa kanyang source na mataas na Kadre ng CPP-NPA-NDF na nag-usap sila at ng kampo nina Marcos at Romualdez sa isang safehouse at pinag-usapan ang kanilang sabwatan at mga plano.

Kabilang umano sa pinag-usapan ay magpasabog ng kaguluhan ang mga aktibo at pinuno ng teroristang/komunistang CPP-NPA-NDF laban sa mga pagkilos na ginagawa ng mga tao pabor sa mga Duterte.

Ayon kay Ka Eric, number 1 si France Castro ng ACT-TEACHERS Partylist na convicted criminal sa kasong child abuse na hinatulan ng Tagum Regional Trial Court na hanggang ngayon ay hindi hinuhuli ng mga awtoridad.

Anya, hindi ordinaryong tao si Castro ito ay teroristang/komunista na convicted criminal na walang karapatan na magpakulong sa isang mamamayang Pilipino, lalo na ang Chief of Staff ni Vice President Inday Sara Duterte.

Kaya dapat palayasin si Castro sa Kongreso at convicted criminal, ang criminal convicted na hindi nahuhuli, hindi nakukulong pero ang inosenting mga mamamayan na kagaya ni Ka Eric, ni Maam Loraine Badoy at Atty. Lopez at iba pang resource persons ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ay kaagad na ipinakulong ng mga balasubas at tarantandong mga alipores ni Martin Romualdez, ayon sa dating Kadre ng CPP-NPA-NDF.

Ang number 2 na alipores ng CPP-NPA-NDF at kasabwat ng mga Marcos at Romualdez upang guluhin ang bansa ay walang iba kundi ang Kabataan Partylist na si Cong. Rauol Manuel na recruiter ng NPA at si France Castro na recruiter naman ng mga kabataan at mga guro.

Sinabi pa ni Ka Eric na si Manuel ay CPP-NPA-NDF operative din sa loob ng kongreso at number 3 naman si Arlene Brosas, kinatawan ng Gabriela NPA Lover Partylist 

Ang tatlong ito ay diehard full blooded communist/terrorist mga infiltrators sa gobyerno.

Ayon pa sa kanya, hindi siya natatakot na ibulgar at ihayag sa mga mamamayang Pilipino, sapagkat sobra-sobra na ang ginagawang pangongonsinti, pakikipagsabwatan at paggamit sa mga teroristang/komunista na may mga kasalanan na utang na dugo sa mamamayan.

Sila ang dahilan kung bakit nagkawatak-watak ang bayan for the last 55-years, sa ngayon ay ginagamit sila para atakihin, insultuhin at durugin ang mga integridad ng mga taong naglingkod sa lahat ng maayos sa bayan kagaya ni former President Rodrigo Duterte at ni Vice President Inday Sara Duterte.

Sa tanong ng mga vlogger kay Ka Eric, kung totoo ba, sinabi nito na buhay na buhay ang pakikipagsabwatan ng CPP-NPA-NDF sa ilalim ng Marcos-Romualdez, Ferdinand Marcos, Jr., Liza Araneta-Marcos at Martin Romualdez yan ang primary sindikato.

“No. 1 syndicate yun, ang 2nd layer ng mga sindikato itong mga CPP-NPA-NDF at mga grupo nila Trillanes at nila Hontiveros, mga dilawan. Malinaw po mga kababayan na ito ay malaking conspiracy, ito po ang ibig sabihin ni tatay Digong Duterte kagabi. We have now a fractured government, saan ka nakakita ng mga mamamatay tao, ang mga nagrerecruit na gawing mga terorista at komunista ang kabataan at mamamayang Pilipino na nang-aambush ng pulis at sundalo at mga nagnanakaw, nanununog at nambobomba, ang mga komunista/terorista ay kasabwat ngayon ng gobyerno para manatili sila sa poder si Marcos at si Romualdez, kalokohan! So ito dapat ay ibunyag, ito dapat ay panindigan natin kung bakit tayo nandito nagtipon-tipon sa EDSA Shrine,” paliwanag pa ni Ka Eric.

Ang mga pahayag ni Ka Eric na ito, ay napatunayan ng grupong MAISUG na nagsagawa ng protest rally noong nakaraang Marso 28 na sinabotahe ng makakaliwang grupong Gabriela matapos silang unahan na magrali sa Liwasang Bonifacio sa Maynila.

Ang grupong MAISUG ay nagtungo sa Plaza Miranda at pagkatapos ay napunta sila sa Mendiola malapit sa Palasyo ng Malakanyang na kalaunan ay pinaalis din sila ng mga pulis pagdating ng hatinggabi na kung saan ay bumalik sila sa Liwasang Bonifacio.

Kawawang Inang Bayan na nanganganib na maging teroristang/komunistang bansa pag nagkataon na hindi ito mapigilan ng mga Pilipino.

Nataranta na ang gobyerno sa mga kaliwa’t-kanang protesta kaya wala silang magawa kundi maghanap ng kakampi laban sa mga pro-Duterte protest.

Maging ang mainstream media ay taliwas din ang sinasabi sa mga isinasagawang pro-Duterte protest na kadalasan ay mali ang sinasabing bilang na dumadalo sa mga pagkilos.

Kaya pinaniniwalaan ng taumbayan na malaking pera ang pinakawalan ng gobyerno para hindi lumabas ang totoong nangyayari sa iba’t ibang lugar sa bansa at sa abroad.

Imbes na kaunlaran ang inaasahan natin ay kadiliman ang naghihintay sa mga Pilipino dahil sa pakikipagsabwatan ng mga opisyal ng gobyerno sa makakaliwang grupo.

Ipagdasal na lang natin ito na hindi sila magtagumpay sa kanilang mga plano.