INTEGRITY PLEDGE para sa May 12, 2025 National at Local Elections
PANATA PARA SA LIGTAS, TAPAT, MAAYOS, MAPAYAPA, MAKATOTOHANAN AT MAKATARUNGANG HALALAN
Ako ay responsableng kandidato.
Iginagalang ko ang proseso at sumusunod ako sa mga batas at alituntunin ng pangangampanya at eleksyon.
Nirerespeto ko ang aking mga kapwa kandidato. Hindi ako magsasabi ng kasinungalingan at lalong hindi ako magpapalaganap ng maling impormasyon na makakalason sa isip ng mga mamamayan at magpapahina sa kanilang tiwala sa proseso ng halalan. Hindi ako gagamit ng dahas at pananakot.
Pinapahalagahan ko ang mga karapatan ng bawat mamamayang Pilipino na malayang makapagpasya at payapang makaboto sa Araw ng Halalan.
Dahil ako ay isang responsableng kandidato, itataguyod ko ang KALIGTASAN, KATAPATAN, KAAYUSAN, KAPAYAPAAN, KATOTOHANAN AT KATARUNGAN SA HALALAN. Ito ang aking PANATA sa BAYAN, at sa SAMBAYANANG PILIPINO.
Nanumpa ang mga kandidato sa Lungsod ng Parañaque para sa isang malinis na halalan sa darating na May 12, 2025.
Nakataas ang kanilang mga kanan kamay, sabay-sabay na binibigkas ang mga alituntunin ng Commission on Elections (COMELEC) na hindi nito lalabagin mula sa kampanya hanggang sa matapos ang halalan.
Kabilang sa mga bawal ang pamimili ng boto at ano mang klase ng pandaraya. Peace covenant ito na pinangunahan ng COMELEC, pero ang ilang kandidato ay hindi nag-papansinan o nagbabatian. Ang asawa ni Mayor Eric Olivarez na si Aileen Clair Olivarez ay magkalayo sila ng upuan. Si Congressman Edwin Olivarez na kandidato sa pagka-Mayor ay hindi naman pinansin ni Aileen Clair Olivarez at pagkatapos ng Signing of Loyalty ay akmang kakamay si Edwin kay Aileen nang bigla namang tumalikod ito.
(Ariel Fernandez)