Sa isyu ng PUV Modernization: DOTr Sec Dizon bumuo ng espesyal na komite!

NILAGDAAN ni DOTr Secretary Vince Dizon ang Special Order No. 2025-152 noong Lunes upang lumikha ng isang espesyal na komite na tututok sa mga isyu sa Public Utility Vehicle (PUV) Modernization Program.

  Ang komite ay binubuo ng mga kinatawan mula sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno, kabilang ang Department of Transportation (DOTr), Land Transportation Office (LTO), at Office of Transportation Cooperatives (OTS).

  Ang komite ay may mandato na konsultahin ang mga stakeholder, pag-aralan ang mga isyu at konsern, at mag-rekomenda ng mga solusyon upang mapabuti ang PUV Modernization Program.

  Ang kanilang mga rekomendasyon ay inaasahang isusumite sa Kalihim sa loob ng isang linggo.

  Ang paglikha ng komite ay isang tugon sa mga hinaing ng mga transport group na may mga isyu sa PUV Modernization Program.

  Ang program ay may layuning mapabuti ang kalidad ng pampublikong transportasyon sa bansa, ngunit may mga kritiko na nagsasabi na ang program ay hindi gaanong epektibo at may mga isyu sa implementasyon.

(Darwell Baldos)