House-to-House Campaign ni Cong. Nograles sa Bgy Manggahan at Burgos inabot ng gabi
Sa muling pag house-to-house campaign ni Cong. Atty. Fidel Nograles sa barangay Manggahan at Burgos, nasaksihan ng RoadNews ang pagdagsa ng kanyang mga tagasuporta mula pa sa ibat ibang barangay ng Montalban.
Hindi man daw inaasahan ng mga organizer ang ganitong buhos ng mga supporters ay hindi rin nila ito mapigilan.
Mula alas dos ng hapon noong Miyerkules April 9, 2025, ay nagtipon-tipon na ang mga tagasuporta sa gilid ng Rural Bank of Montalban sa Bgy. Manggahan, hindi alintana ang sobrang init ng panahon, masilayan at makamayan lang ang batang kongrehista.
Nang dumating ang kongrehista ay agad itong sinalubong ng mga supporters, nagtitilian at nagsasaywan sa galak lalo na kapag nakamayan sila nito.
Sinundan ng mga taga sauporta ang kongreshista sa kanyang paglalakad at pagbabahay-bahay sa mga kalye ng Mangahan at Burgos. Nagdulot man ito ng pansamantalang pagsisikip ng trapiko, wala naman tayong narinig na angal mula sa mga motorista, bagkos ay masaya pa ang mga ito na makita ang kanilang batang kongrehista.
Ang mga nasa bahay na nadaanan ng kampanya ay maganda rin ang pagtanggap kay Nograles, halos naglabasan sila sa kanilang mga tahanan bitbit ang tarpaulin ni cong Fidel, at kinuha narin ang pagkakataon upang makipag selfie sa kaniya.
Sa Purok 3 daang-bakal ng Burgos, nadaanan natin ang grupo ng mga senior citizens na inaabangan ang pagdating ng grupo ni Nograles, kita at ramdam natin ang suporta ng mga ito sa kampanya ni Cong. Fidel.
Sa mga nakapanayam ng RoadNews na taga-suporta at residente ay ipinahayag nila ang pagnanais ng mga ito na manalo muli ang kanilang kongrehista, upang maipagpatuloy nito ang mga pagtulong sa kanila, hindi lamang pinansyal kundi mga batas at proyekto na pakikinabangan nila ng mahabang panahon.
Inabot ng gabi ang pagbabahay-bahay ng mga ito, at sa harapan ng XRC Montana sa Burgos nagtapos ang kampanya. Pinasalamatan naman ni Nograles ang kanyang mga tagasuporta na sumama sa kanyang pagbabahay-bahay, at ang kanyang lakas di-umano ay hinuhugot nya sa mga taga Montalban at sila ang kaniyang inspirasyon upang ipagpatuloy ang kanyang laban.
(Darwell Baldos)