TIYAKIN ANG PATAS, TAPAT NA HALALAN–UGB

NANAWAGAN ang Universal Guardians Brotherhood (UGB) Partylist para sa isang patas at tapat na pambansa at lokal na halalan sa Mayo 12.

Binigyang-diin ni UGB President Melvin “UGMF Isaac” L. Contapay at Maria Charo Calalo ang pangangailangang pigilan ang posibleng malawakang pandaraya sa eleksyon at ang tunay na diwa ng Partylist System, na kumakatawan sa mga mahihirap at marginalized na sektor.

Hinimok nila ang Comelec na ipatupad ang Fair Elections Act at nagmungkahi ng mga amendments sa Omnibus Elections Law para matiyak ang tapat, patas, at mapayapang halalan.

Nagpahayag din ng tiwala si Contapay sa kakayahan ng Partylist na manalo sa halalan dahil sa kanilang 210,000 Guardians ID card-bearing members sa isang chapter lamang. Binigyang-diin din nila ang kahalagahan ng kababaihan, partikular na ang mga magulang na may mga espesyal na anak, at itinaguyod ang “Love Yourself” Program para sa kapakinabangan at kapakanan ng mga kababaihan, mga bata, at komunidad ng LGBTIQ+.

(Buboi Patriarca)