2 Driver ng Solid North: POSITIBO SA DROGA
KINUMPIRMA mismo ng DOTr na dalawang bus driver ng Solid North Bus Inc ang nagpositibo sa droga matapos ang mandatory drug testing na isinagawa ng Land Transportation Office (LTO).
Ayon sa DOTr, ang mga nagpositibo ay sasailalim sa confirmatory test ng LTO, at maaaring maharap sa perpetual revocation ng kanilang lisensya at iba pang kasong kriminal.
Samantala, isinailalim din sa pagsusuri ang mga unit ng kumpanya ng bus sa motor vehicle inspection center ng LTO sa Zambales, kung saan 46 sa 276 na bus ang napag-alamang sumusunod sa roadworthiness standards. Patuloy na sinusuri ng LTO ang mga natitirang unit ng bus sa ngayon.
Ang mga hakbang na ito ay ipinatupad upang matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero, matapos na masangkot ang isa sa mga unit ng Solid North Bus Inc. sa nakamamatay na pag-crash sa kalsada sa Araw ng Paggawa sa SCTEX, na ikinasawi ng 10 katao.
Sinabi ni Transportation Secretary Vince Dizon na ang gobyerno ay nangangako na panindigan ang mga direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. upang matiyak ang kaligtasan at kaginhawahan ng publikong bumibiyahe.
Faustino Dar nag-uulat para sa RoadNews

