Ano nga ba ito?
May agam-agam ngayon ang ilang lokal na opisyal sa Maguindanao del Sur matapos makatanggap ng liham mula sa Philippine Army. Ang liham ay nag-aanyaya sa lahat ng alkalde ng lalawigan para sa isang dayalogo kasama ang Interim Chief Minister (ICM) ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Pero teka, bakit hindi nakalista sa sulat kung sino ang ICM na ito?
Ayon sa Army, layunin umano ng pagpupulong ang pagtalakay sa mga “pressing issues” sa rehiyon. Gayunpaman, kumakalat sa social media ang spekulasyon na maaaring may kinalaman ito sa nalalapit na unang parliamentary elections ng BARMM sa 2025.

Bakit militar ang nag-oorganisa ng ganitong usapan, at hindi ang Gobernador ng Maguindanao del Sur, ang ICM mismo, o ang DILG na karaniwang namamahala sa ganitong uri ng political coordination?
Para sa ilan, dapat malinaw ang hangganan sa pagitan ng peace and security concerns at pulitikal na usapin. Ano sa palagay ninyo?
#Bangsamoro #MaguindanaoDelSur #BARMM #Elections2025
(Buboi Patriarca naguulat para sa Roadnews)
