CSC KINALAMPAG VS ONLINE GAMBLING SA GOV’T OFFICE, EMPLEYADO
Ulat ni Ernie Reyes
Mistulang kinalampag sa Senado ang Civil Service Commission (CSC) upang amendahan ang umiiral na circular nito laban sa pagpunta ng empleyado ng pamahalaan sa casino na isama ang pagbabawal sa online gambling sa lahat government offices at civil service personnel.
“Our government can put a stop to online gambling among the ranks of its employees through the Civil Service Commission. We call on the CSC to issue a clear-cut ban on online gambling among civil servants, particularly officials and employees of the government,” ayon kay Senador Joel Villanueva.

Ayon sa senador, may umiiral na patakaran ng CSC na nagbabawal sa lahat ng empleyado ng pamahalaan na magtungo sa casino. Pero, aniya kailangan amendahan ang guidelines upang maisama ang online gambling platforms.
“Given the changes in the gambling landscape, the CSC should consider coming up with changes to its policy that are appropriate to our situation today with the online gambling platforms easier for workers in government to access,” paliwanag ni Villanueva.
“Huwag po nating hintayin na mahulog sila sa kumunoy ng adiksyon, lalo na at napakadali na ngayong tumaya sa online sugal,” dagdag niya.
Bukod kay Villanueva, naghain din ng ilang panukalang batas laban sa online gambling sina Senador Alan Peter Cayetano, Pia Cayetano, Risa Hontiveros, Loren Legarda at dating Senate President Juan Miguel Zubiri.
Ikinababahala ng naturang mambabatas na nalululong sa sugal sa pamamagitan ng online gambling hindi lamang katandaan Kundi kabataan dahil madaling tumaya gamit ang e-wallets na pinatitindi pa ng advertisement sa lahat ng platform/
Sa ilalim naman ng Anti-Online Gambling Advertisement Act of 2025, ipinapanukala ni Cayetano na ipagbawal ang lahat ng advertisement ng online gambling sa TV, radyo, social media, at outdoor ads.
Katuwang ito ng panukala ni Senator Pia Cayetano na Ban on Online Gambling Act, kung saan siya rin ay co-author, na layong ipatigil ang mismong operasyon ng online gambling sa bansa — lokal man o offshore.
“It is our duty as God-fearing people to raise future generations in a morally upright environment,” wika ni Senator Alan.
Naghain ng isang panukalang batas si Zubiri na mahigpit na ipagbawal ang lahat ng uri ng online gambling sa Pilipinas na itinuturing nitong “silent epidemic” na unti-unting sumisira sa Filipino partikular ang kabataan na madaling mahikayat.
Sa panukala, sinabi ni Zubiri na tatawagin itong “Anti-Online Gambling Act of 2025″ na halaw sa banta ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) at lumalalang panganib ng local online gambling platforms.
“We already shut the doors on POGOs for the damage they caused. But an even more dangerous problem has crept into our homes: online gambling that targets our own people,” aniya..
“Let’s not kid ourselves. Iba na ang itsura ng gambling addiction ngayon. Hindi na ito yung lulong ang isang tao sa casino o sa sabungan. It now looks like a kid with a phone under the covers at 2 a.m., losing the family’s grocery money on an online casino site,” giit ni Zubiri.
Naunang inihayag ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na nagbuo ng isang lupon na mag-aaral at lilikha ng patakaran ng pamahalaan sa online gambling kabilang dito ang obispo ng Simbahang Katoliko dulot ng nakarang panawagan nila laban sa online gambling.
Pumalag din ang online gaming operators na lisensiyado ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) sa panukalang total ban sa bansa dahil baka gumamit ang Filipino sa unregulated sites na makikita sa black market.
Ernie Reyes para saRoadNews
