BATO PAPAYUHAN NI LACSON SAKALING MAY WARRANT MULA SA ICC

Ni Ernie Reyes

Nakahanda si Senate President Pro-Tempore Panfilo Lacson  na  payuhan si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa sakaling magpalabas ng warrant of arrest ang International Criminal Court (ICC) sa kasong crimes against humanity sa implementasyon ng Oplan Tokhang.

Sa pahayag, sinabi ni Lacson, dating PNP chief tulad ni Bato na nakatakda nitong magbigay ng moral support sa mambatas matapos ipalutang ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na nagpalabas ng warrant ang ICC.

Wala pang kumpirmasyon ang ICC at Department of Justice hinggil sa palutang ni Remulla.

“I hope we can talk just to give him some legal advice, hindi para magtago, kundi para (not to hide but to know) how to go about facing criminal charges,” ani Lacson.

“I think he knows it naman eh kasi galing siya sa PNP. But my own personal experience or experiences gusto ko ibahagi sa kanya, not for anything but within the bounds of the law and rules ng International Criminal Court,” aniya.

Naalala ni Lacson na noong 2010, dalawang araw bago siya kasuhan ng double murder para sa pagkakasangkot sa pagpatay kay publicist Salvador Dacer and his drivat driver nitong si Emmanuel Corbito noong November 2000.

Sinabi ni Lacson na tumakas siya nang bansa dahil nakikita niyang ‘unsafe at natatakot  sa political harassment  sa ilalim ng administrasyon ni dating  President Gloria Macapagal-Arroyo.

Bumalik siya noong Marso 2011 matapos magtago ng mahigit isang taon.

Hinggil sa posibilidad na magtago si Dela Rosa, sinabi ni Lacson na:  “Hindi pa naman siya naka-decide kung magtatago eh. Kung mag-decide siya magtago edi tuturuan ko siya paano magtago. Joke lang.”

“Anyway, that’s for law enforcement authorities to look into. It’s his choice,” aniya.

Aniya, kakaiba ang sitwasyon ni Dela Rosa kapag nagtago siya kasi nasa international court ang kanyang kaso na hindi isang Estado tulad nang ipinamamarali sa extradition ruling ng Supreme Court kamakailan.

“In my case, kasi local courts applicable ‘yung Tuliao vs Miranda. In essence, sinasabi doon even if the respondent is not under the legal jurisdiction of the courts, pwede pa rin mag-file ng mga pleadings,” ani Lacson.