ERWIN TULFO, NAMAHAGI NG LIBU-LIBONG MEDICAL SUPPLIES SA MGA INMATE NG NBP

0

ni Darwell Baldos

Namahagi si Senador Erwin Tulfo ng libu-libong medical at hygiene supplies sa mahigit 2,000 na Persons Deprived of Liberty (PDLs) sa minimum-security facility ng New Bilibid Prison (NBP) noong Biyernes. Kabilang sa kanyang mga donasyon ang mga antibacterial soap, shampoo, adult diapers, folding beds, towel, wheelchair, at tents.

Sa kanyang pahayag, sinabi ni Tulfo sa mga bilanggo na ang mga suplay na ito ay magdudulot ng ginhawa at simbolo na may mga taong naniniwala pa rin sa kanilang halaga. Iginiit niya na hindi sila kinakalimutan, na sila ay bahagi pa rin ng komunidad, at karapat-dapat sa pangangalaga at paggalang. Idinagdag niya na ang kanyang pagbisita ay isang paalala na ang lahat ay may kakayahang magbago at may pag-asa habang sila ay buhay.

“Ang mga supply na ito ay magdadala sa inyo ng ginhawa at magpapaalala na mayroon pa ring mga taong naniniwala sa inyong halaga” ani Tulfo

“Hindi kayo kinakalimutan. Bahagi pa rin kayo ng ating komunidad at karapat-dapat pa rin kayo sa pangangalaga at paggalang. Ang aming pagbisita at paalala na ang lahat ay may kakayahang magbago at may pag-asa para sa lahat hangga’t tayou ay buhay,” dagdag pa nito.

Bukod sa pamimigay, ipinangako rin ng Senador na itutulak niya ang pagpapalaya ng mga overstaying at may sakit na PDLs. Nabanggit na nakipagpulong na siya kay DOJ Secretary Fredderick Vida upang pag-usapan ang isyung ito. Nagbahagi rin siya ng update sa kanyang inihain na Medical Parole Act (SB 154), na naglalayong magbigay ng medical parole sa mga bilanggong edad 70 pataas at sa mga may malubhang sakit.

Personal na ininspeksyon ni Sen. Tulfo ang pasilidad at umaksyon sa ilang mga emergency medikal na hinaing ng mga inmates. Panghuli, nangako siya ng tuluy-tuloy na suporta sa pagpapabuti ng mga pasilidad ng kulungan, lalo na sa maayos na tulugan ng mga preso.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *