{"id":2142,"date":"2025-07-25T18:51:58","date_gmt":"2025-07-25T10:51:58","guid":{"rendered":"https:\/\/roadnews.net\/?p=2142"},"modified":"2025-07-25T19:53:43","modified_gmt":"2025-07-25T11:53:43","slug":"goitia-kasunduang-marcos-trump-isang-matalinong-diskarte-hindi-pagsuko","status":"publish","type":"post","link":"https:\/\/roadnews.net\/index.php\/2025\/07\/25\/goitia-kasunduang-marcos-trump-isang-matalinong-diskarte-hindi-pagsuko\/","title":{"rendered":"Goitia: Kasunduang Marcos\u2013Trump Isang Matalinong Diskarte , Hindi Pagsuko"},"content":{"rendered":"\n<p>&#8220;Hindi ito pagtalikod sa interes ng bansa. Hindi rin pagyuko sa dikta ng Amerika kundi maituturing na isang matalinong diskarte ni Pangulong Ferdinand Marcos sa isinagawang kasunduan ng kalakalan at seguridad sa pagitan nina United States President Donald Trump na hindi dapat kaagad husgahan&#8221;.<\/p>\n\n\n\n<p>Ito ang mariing ipinahayag ni Chairman Emeritus Dr. Jose Antonio Goitia, isang tapat na lider ng apat na civic oriented na nagtataguyod at sumusuporta sa mga karapatan ng Pilipino at sa mga isyung panlipunan sa bansa.<\/p>\n\n\n\n<p>\u201cDiskarte ito, hindi pagsuko,\u201d buwelta ni Goitia sa mga kritiko na patuloy na bumabatikos sa Pangulo dahil nakasanayanan na at palaging naiisip na ang mabuting pakikitungo o diplomasya ay isang bitag upang sumunod at kalaunan ay madehado tayo. Pero paano tayo uusad kung ganyan tayo mag-isip?\u201d<\/p>\n\n\n\n<p>Ang nasabing kasunduan ay nag-aalis ng buwis sa mga produktong galing Amerika, habang may 19% taripa naman sa mga produktong papuntang Estados Unidos mula sa Pilipinas na sa paningin ng iba ay one-sided at malulugi tayo.<\/p>\n\n\n\n<figure class=\"wp-block-image size-large\"><img loading=\"lazy\" decoding=\"async\" width=\"921\" height=\"1024\" src=\"https:\/\/roadnews.net\/wp-content\/uploads\/2025\/07\/image-65-921x1024.png\" alt=\"\" class=\"wp-image-2149\" srcset=\"https:\/\/roadnews.net\/wp-content\/uploads\/2025\/07\/image-65-921x1024.png 921w, https:\/\/roadnews.net\/wp-content\/uploads\/2025\/07\/image-65-1024x1139.png 1024w, https:\/\/roadnews.net\/wp-content\/uploads\/2025\/07\/image-65-270x300.png 270w, https:\/\/roadnews.net\/wp-content\/uploads\/2025\/07\/image-65-768x854.png 768w, https:\/\/roadnews.net\/wp-content\/uploads\/2025\/07\/image-65.png 1320w\" sizes=\"auto, (max-width: 921px) 100vw, 921px\" \/><\/figure>\n\n\n\n<p>Pero ayon kay Goitia, kailangang tingnan ito ng malalim dahil hindi lamang ito usapang taripa.<\/p>\n\n\n\n<p>\u201cKalakalan ito, hindi palitan ng tingi-tingi sa merkado. Ang mahalaga ay nakapasok tayo sa merkado nila, may pakinabang tayo, at higit sa lahat \u2014 may nakapagtatag tayo ng mahabang pakikipag-ugnayan sa Amerika. Hindi lamang ito pagsang-ayon kundi isang tagumpay na maituturing para kay Presidente Marcos. Hindi rin aniya dapat hinuhusgahan agad ang resulta ng kasunduan pahayag ni Goitia.<\/p>\n\n\n\n<p>\u201cAng tunay na tagumpay ay hindi minamadali. Ito ay may kaakibat na taktika at tiyaga ng mahabang panahon upang masabing seryoso ang isang bansa na makuha ang tagumpay.<\/p>\n\n\n\n<p>Isang isyu rin ang pagbubukas ng pinto sa mga dayuhang mamumuhunan sa pagmimina at enerhiya. Pero malinaw ang paninindigan ni Goitia:<\/p>\n\n\n\n<p>\u201cDekada na nating hawak ang mga likas-yaman, pero nananatiling hindi nagagalaw sa ilalim ng lupa. Kung may ibang gustong tumulong at may teknolohiyang dala, basta\u2019t tayo ang nagdidikta ng patakaran \u2014 bakit hindi natin pagkakitaan?\u201d<\/p>\n\n\n\n<p>Maging ang mga magsasaka ay nangangamba sa nasabing kasunduan na makakapagpahina sa sektor ng pagsasaka subalit ayon kay Goitia, hindi ito dapat gamitin para takutin ang mga magsasaka.<\/p>\n\n\n\n<p>\u201cMatagal nang napapabayaan ang mga magsasaka at sektor ng agrikultura. Hindi dahil sa mga trade deal, kundi dahil sa kakulangan ng suporta na ibinibigay sa kanila. Kung magkakaroon ng silbi itong kasunduan para matutukan sila, mas mabuti pa.\u201d ani Goitia.<\/p>\n\n\n\n<p>Sa isyu ng depensa, binigyang-diin ni Goitia hindi tinatalikuran ng Pilipinas ang soberanya nito.<\/p>\n\n\n\n<p>\u201cWala tayong ipinamimigay bagkus ay ginagawa ng gobyerno ang lahat para protektahan ang teritoryo ng Pilipinas na sariling atin. Sa panahon ng tensyon sa West Philippine Sea. (WPS), kailangan natin ng kakampi. At isang matalinong istrahiya ang makipag-alyansa sa malalakas at maunlad na bansa.<\/p>\n\n\n\n<p>Sa mga nagsasabing kabaliktaran o pambobola lamang ang pagpuri ni Trump kay Marcos , ito ay sinagot ni Goitia na &#8220;Hindi ito puro papogi, ang mahalaga ay nagkaroon ng matibay na kasunduan at umuwi ang up Pangulo na may bitbit na tagumpay para sa bansa&#8221;.<\/p>\n\n\n\n<p>Sa huli, panawagan ni Goitia sa publiko na maging mapanuri at huwag basta- basta maniwala .<\/p>\n\n\n\n<p>\u201cNormal na magtanong dahil bahagi ito ng demokrasya pero huwag natin gawin ang nakasanayanan ng iba na mapaghinala at may pagkontra sa maraming bagay . Hindi man perpekto ang kasunduan, ang malinaw ay may matibay kasunduan na naganap na hindi naisagawa ng mahabang panahon.<\/p>\n\n\n\n<p>Si Dr. Jose Antonio Goitia ay Chairman Emeritus ng Alyansa ng Bantay sa Kapayapaan at Demokrasya (ABKD), People\u2019s Alliance for Democracy and Reforms (PADER), Liga Independencia Pilipinas (LIPI), at Filipinos Do Not Yield (FDNY) Movement.<br><\/p>\n\n\n\n<p>(Boboi Patriarca)<\/p>\n","protected":false},"excerpt":{"rendered":"<p>&ldquo;Hindi ito pagtalikod sa interes ng bansa. Hindi rin pagyuko sa dikta ng Amerika kundi&#8230;<\/p>\n","protected":false},"author":2,"featured_media":0,"comment_status":"open","ping_status":"closed","sticky":false,"template":"","format":"standard","meta":{"footnotes":""},"categories":[14],"tags":[],"class_list":["post-2142","post","type-post","status-publish","format-standard","hentry","category-bansa"],"featured_image_urls":{"full":"","thumbnail":"","medium":"","medium_large":"","large":"","1536x1536":"","2048x2048":"","covernews-featured":"","covernews-medium":""},"author_info":{"display_name":"Darwell Baldos","author_link":"https:\/\/roadnews.net\/index.php\/author\/darwell\/"},"category_info":"<a href=\"https:\/\/roadnews.net\/index.php\/category\/bansa\/\" rel=\"category tag\">BANSA<\/a>","tag_info":"BANSA","comment_count":"0","_links":{"self":[{"href":"https:\/\/roadnews.net\/index.php\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/2142","targetHints":{"allow":["GET"]}}],"collection":[{"href":"https:\/\/roadnews.net\/index.php\/wp-json\/wp\/v2\/posts"}],"about":[{"href":"https:\/\/roadnews.net\/index.php\/wp-json\/wp\/v2\/types\/post"}],"author":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/roadnews.net\/index.php\/wp-json\/wp\/v2\/users\/2"}],"replies":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/roadnews.net\/index.php\/wp-json\/wp\/v2\/comments?post=2142"}],"version-history":[{"count":2,"href":"https:\/\/roadnews.net\/index.php\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/2142\/revisions"}],"predecessor-version":[{"id":2150,"href":"https:\/\/roadnews.net\/index.php\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/2142\/revisions\/2150"}],"wp:attachment":[{"href":"https:\/\/roadnews.net\/index.php\/wp-json\/wp\/v2\/media?parent=2142"}],"wp:term":[{"taxonomy":"category","embeddable":true,"href":"https:\/\/roadnews.net\/index.php\/wp-json\/wp\/v2\/categories?post=2142"},{"taxonomy":"post_tag","embeddable":true,"href":"https:\/\/roadnews.net\/index.php\/wp-json\/wp\/v2\/tags?post=2142"}],"curies":[{"name":"wp","href":"https:\/\/api.w.org\/{rel}","templated":true}]}}