{"id":2273,"date":"2025-08-04T12:40:48","date_gmt":"2025-08-04T04:40:48","guid":{"rendered":"https:\/\/roadnews.net\/?p=2273"},"modified":"2025-08-04T12:40:48","modified_gmt":"2025-08-04T04:40:48","slug":"kasaysayan-susi-sa-pagpapatuloy-ng-kasarinlan-legarda","status":"publish","type":"post","link":"https:\/\/roadnews.net\/index.php\/2025\/08\/04\/kasaysayan-susi-sa-pagpapatuloy-ng-kasarinlan-legarda\/","title":{"rendered":"KASAYSAYAN SUSI SA PAGPAPATULOY NG KASARINLAN \u2013 LEGARDA"},"content":{"rendered":"\n<p>Ulat ni Ernie Reyes para sa RoadNews<\/p>\n\n\n\n<figure class=\"wp-block-image size-full\"><img loading=\"lazy\" decoding=\"async\" width=\"940\" height=\"788\" src=\"https:\/\/roadnews.net\/wp-content\/uploads\/2025\/08\/roadnews-picture-8.png\" alt=\"\" class=\"wp-image-2274\" srcset=\"https:\/\/roadnews.net\/wp-content\/uploads\/2025\/08\/roadnews-picture-8.png 940w, https:\/\/roadnews.net\/wp-content\/uploads\/2025\/08\/roadnews-picture-8-300x251.png 300w, https:\/\/roadnews.net\/wp-content\/uploads\/2025\/08\/roadnews-picture-8-768x644.png 768w\" sizes=\"auto, (max-width: 940px) 100vw, 940px\" \/><\/figure>\n\n\n\n<p>Binigyang-diin ni Senadora Loren Legarda ang agarang pangangailangan na magbuklod at balikan ang mga ugat ng kasaysayan ng bansa upang mapanatili at mapalakas ang kasarinlan ng Pilipinas sa paggunita ng ika-127 anibersaryo ng Bacoor Assembly noong Biyernes, Agosto 1, 2025.<\/p>\n\n\n\n<p>Sa makasaysayang pook kung saan nilagdaan ng 200 municipal presidents (ngayon ay mga alkalde) ang Deklarasyon ng Kasarinlan na inihanda ni Apolinario Mabini noong Agosto 1, 1898 sa Bacoor, Cavite, binigyang-diin ni Legarda ang kahalagahan ng paggalang sa pakikibaka ng bansa para sa kalayaan hindi lamang bilang tradisyon, kundi bilang bukal ng lakas para sa pagpapatatag ng bayan.<\/p>\n\n\n\n<p>\u201cMga kababayan, isinulong ko ang pagkilalang ito hindi lamang dahil ito\u2019y nararapat sa kasaysayan, kundi dahil ito\u2019y pagkilala at pagbibigay-katarungan sa kabuuang salaysay ng ating kalayaan,\u201d sabi ni Legarda.<\/p>\n\n\n\n<p>Pinagtibay ng Bacoor Assembly ang isang bersyon ng Deklarasyon ng Kasarinlan ng Pilipinas na nag-alis ng mga pagtukoy sa pagdepende sa mga dayuhang kapangyarihan. Ito ay isinagawa bunga ng mga pangamba ni Emilio Aguinaldo at payo ni Apolinario Mabini ukol sa orihinal na proklamasyon noong Hunyo 12, 1898 na isinulat at binasa ni Ambrosio Rianzares Bautista ngunit hindi nilagdaan ni Heneral Aguinaldo. Ang pinagtibay na bersyon ay nagbigay-linaw sa paninindigan para sa sariling pagpapasya at soberanya ng Pilipinas, na nagbukas ng daan para sa pagbuo ng Kongreso ng Malolos.<\/p>\n\n\n\n<p>Ang lolo-sa-tuhod ni Legarda na si Ariston Gella ay nagsilbing kinatawan ng Antique sa Kongreso ng Malolos, na naglatag ng pundasyon para sa pamana ng paglilingkod-bayan ng kanilang pamilya.<\/p>\n\n\n\n<p>\u201cAng kasarinlan ay hindi lang kalayaang kumilos, kundi kalayaang kumilos para sa kapwa. At ang tunay na lakas ng Pilipino ay nasa paninindigan, hindi lamang para sa sarili, kundi para sa bayan,\u201d ani Legarda.<\/p>\n\n\n\n<p>Sa ikaapat na termino niya bilang Senadora, pinangunahan ni Legarda ang maraming batas na may kinalaman sa kasaysayan at kultura ng Pilipinas. Kabilang dito ang Republic Act No. 12073, na nagpapahayag na tuwing Agosto 1 ay gugunitain bilang \u2018Araw ng Paglalathala at Pagtatanyag ng Kasarinlan ng Pilipinas.\u2019<\/p>\n\n\n\n<p>Nangunguna rin siya sa pangangalaga at pagsusulong ng pamana ng kulturang Pilipino sa pamamagitan ng mga batas tulad ng National Cultural Heritage Act at Cultural Mapping Law; pagsuporta sa mga inisyatiba sa komunidad gaya ng Schools of Living Traditions; at pagbibigay-daan sa mas malawak na pagkilala sa kulturang Pilipino sa pamamagitan ng mga programang pangkultura tulad ng Dayaw.<\/p>\n\n\n\n<p>\u201cHindi natin mararating ang tunay na kasarinlan kung hindi natin kilala ang ating sarili bilang isang bayan. At sa bawat hakbang na nagpapalalim sa ating pag-unawa sa sariling kultura at kasaysayan, mas pinatatatag natin ang ating kalayaan,\u201d giit niya.<\/p>\n\n\n\n<p>\u201cAng pagpapahalaga natin sa diwa ng Agosto Uno ay pagpupugay sa isang mahalagang katangian ng ating pagka-Pilipino, ang diwa ng pagkakaisa,\u201d dagdag pa ni Legarda.<\/p>\n","protected":false},"excerpt":{"rendered":"<p>Ulat ni Ernie Reyes para sa RoadNews Binigyang-diin ni Senadora Loren Legarda ang agarang pangangailangan&#8230;<\/p>\n","protected":false},"author":2,"featured_media":0,"comment_status":"open","ping_status":"closed","sticky":false,"template":"","format":"standard","meta":{"footnotes":""},"categories":[15],"tags":[],"class_list":["post-2273","post","type-post","status-publish","format-standard","hentry","category-probinsya"],"featured_image_urls":{"full":"","thumbnail":"","medium":"","medium_large":"","large":"","1536x1536":"","2048x2048":"","covernews-featured":"","covernews-medium":""},"author_info":{"display_name":"Darwell Baldos","author_link":"https:\/\/roadnews.net\/index.php\/author\/darwell\/"},"category_info":"<a href=\"https:\/\/roadnews.net\/index.php\/category\/probinsya\/\" rel=\"category tag\">PROBINSYA<\/a>","tag_info":"PROBINSYA","comment_count":"0","_links":{"self":[{"href":"https:\/\/roadnews.net\/index.php\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/2273","targetHints":{"allow":["GET"]}}],"collection":[{"href":"https:\/\/roadnews.net\/index.php\/wp-json\/wp\/v2\/posts"}],"about":[{"href":"https:\/\/roadnews.net\/index.php\/wp-json\/wp\/v2\/types\/post"}],"author":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/roadnews.net\/index.php\/wp-json\/wp\/v2\/users\/2"}],"replies":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/roadnews.net\/index.php\/wp-json\/wp\/v2\/comments?post=2273"}],"version-history":[{"count":1,"href":"https:\/\/roadnews.net\/index.php\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/2273\/revisions"}],"predecessor-version":[{"id":2275,"href":"https:\/\/roadnews.net\/index.php\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/2273\/revisions\/2275"}],"wp:attachment":[{"href":"https:\/\/roadnews.net\/index.php\/wp-json\/wp\/v2\/media?parent=2273"}],"wp:term":[{"taxonomy":"category","embeddable":true,"href":"https:\/\/roadnews.net\/index.php\/wp-json\/wp\/v2\/categories?post=2273"},{"taxonomy":"post_tag","embeddable":true,"href":"https:\/\/roadnews.net\/index.php\/wp-json\/wp\/v2\/tags?post=2273"}],"curies":[{"name":"wp","href":"https:\/\/api.w.org\/{rel}","templated":true}]}}