{"id":2374,"date":"2025-08-18T20:15:07","date_gmt":"2025-08-18T12:15:07","guid":{"rendered":"https:\/\/roadnews.net\/?p=2374"},"modified":"2025-08-18T20:15:07","modified_gmt":"2025-08-18T12:15:07","slug":"chairman-goitia-laban-ni-presidente-marcos-sa-korapsyon-at-palpak-na-flood-control-laban-ng-bawat-pilipino","status":"publish","type":"post","link":"https:\/\/roadnews.net\/index.php\/2025\/08\/18\/chairman-goitia-laban-ni-presidente-marcos-sa-korapsyon-at-palpak-na-flood-control-laban-ng-bawat-pilipino\/","title":{"rendered":"Chairman Goitia: Laban ni Presidente Marcos sa Korapsyon at Palpak na Flood Control, Laban ng Bawat Pilipino"},"content":{"rendered":"\n<p>Ni buboi Patriarca<\/p>\n\n\n\n<p>\u201cSa panahong dumaranas ng matitinding pagbaha at iba\u2019t ibang uri ng kalamidad, hindi na makatuwiran ang palpak at substandard na trabaho at malawakang korapsyon,\u201d ani Chairman Emeritus Dr. Jose Antonio Goitia, pinuno ng iba\u2019t ibang makabayang organisasyon.<\/p>\n\n\n\n<p>\u201cKaya\u2019t todo ang suporta ko kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang matapang at makatuwirang pag-inspeksyon sa mga flood control projects sa iba\u2019t ibang bahagi ng bansa. Ipinapakita niya na ang kapabayaan at panloloko sa bayan ay hindi niya palalampasin,\u201d pahayag ni Goitia.<\/p>\n\n\n\n<figure class=\"wp-block-image size-full\"><img loading=\"lazy\" decoding=\"async\" width=\"940\" height=\"788\" src=\"https:\/\/roadnews.net\/wp-content\/uploads\/2025\/08\/picture-roadnews.jpg\" alt=\"\" class=\"wp-image-2376\" srcset=\"https:\/\/roadnews.net\/wp-content\/uploads\/2025\/08\/picture-roadnews.jpg 940w, https:\/\/roadnews.net\/wp-content\/uploads\/2025\/08\/picture-roadnews-300x251.jpg 300w, https:\/\/roadnews.net\/wp-content\/uploads\/2025\/08\/picture-roadnews-768x644.jpg 768w\" sizes=\"auto, (max-width: 940px) 100vw, 940px\" \/><\/figure>\n\n\n\n<p>Sinabi ni Goitia na sa mga isinagawang on-site inspections, kabilang ang lalawigan ng Bulacan, isa sa mga itinuturing na flood-prone province, nadiskubre ni Presidente Marcos sa kaniyang pagbisita na ang dalawang barangay sa bayan ng Calumpit \u2014 Barangay Bulusan at Barangay Frances \u2014 ay may mga problemang itinatago, kabilang ang mga kapabayaan sa proyekto na halatang hindi nagawa ng maayos.<\/p>\n\n\n\n<p>\u201cSa Barangay Bulusan, nadiskubre rin ng Pangulo na mahigit 200 metro ng river protection structure ang hindi pala naitayo kahit may mga report na idineklarang tapos na ang proyekto. Sumisid pa sa ilalim ang mga divers para magsagawa ng inspeksyon at lumabas na manipis at hindi pantay ang kongkreto, may mga siwang sa mga pundasyon na maituturing na trabahong palpak at tiyak na babagsak,\u201d paliwanag ni Goitia.<\/p>\n\n\n\n<p>Idinagdag pa niya ang matapang na pahayag mismo ng Pangulo na kailangan nilang ipaliwanag kung bakit ganito ang pagkakagawa. Dapat maranasan nila ang hirap na dinaranas ng tao dahil sa kapabayaan nila.<\/p>\n\n\n\n<p>Sa Barangay Frances naman, isang proyekto na nagkakahalaga ng \u20b177.1 milyon ang nadiskubreng mababa ang kalidad ng materyales at hindi kumpleto ang dredging, kahit nakalista itong tapos na.<\/p>\n\n\n\n<p>Ayon kay Goitia, hindi ito pinalampas ng Pangulo. Pagkatapos ng inspeksyon, kaagad niyang inutusan ang Commission on Audit (COA) na magsagawa ng imbestigasyon sa lahat ng flood control projects upang malaman kung saan napunta ang pera ng bayan.<\/p>\n\n\n\n<p>Tinukoy din ni Goitia ang sitwasyon sa Oriental Mindoro, kung saan mismong si Gov. Bonz Dolor ang nagbunyag ng mga dike na bumagsak ilang linggo matapos maitayo.<\/p>\n\n\n\n<p>\u201cMasakit isipin na napunta lamang sa iregularidad at korapsyon ang 39-bilyong pondo, kaya umapela mismo si Gov. Dolor ng tulong kay Presidente Marcos para papanagutin ang mga contractors at mga opisyal na maaaring sangkot sa nasabing proyekto,\u201d wika niya.<\/p>\n\n\n\n<p>\u201cHindi lang inspeksyon ang ginagawa ng Pangulo. May mabilisang aksyon, tamang pagdisiplina sa mga nasasangkot, at pagsugpo sa korapsyon na may kasamang pagtulong upang mapabuti ang kapakanan ng mga tao,\u201d dagdag pa ni Goitia. \u201cSa Oriental Mindoro, naglabas siya ng \u20b146.14 milyon para sa mga magsasaka at mangingisdang tinamaan ng bagyo. Iniutos din niya na rebisahin ang Flood Control Masterplan para mas tugma sa klima at datos ngayon.\u201d<\/p>\n\n\n\n<p>Para kay Goitia, malinaw ang mensahe: \u201cGanito ang pamumuno. Hindi lang basta nagpapagawa ng mga proyekto si President Marcos kundi mayroon siyang katapatan na makapapatupad ng programa. Ang tangi niyang hiling ay ang kalidad, katapatan at pagiging patas. Tinutupad niya ang kaniyang pangako at ipinapakitang seryoso siya laban sa korapsyon.\u201d<\/p>\n\n\n\n<p>Nanawagan si Goitia sa lahat ng Pilipino na makiisa: \u201cBawat palpak na dike ay panganib sa pamilya. Bawat pisong nakurakot ay pagkain na nawala sa mesa ng isang kababayan natin. Sinabi na ng Pangulo: walang puwang ang magnanakaw. Laban ito ng lahat ng Pilipino.\u201d<\/p>\n\n\n\n<p>At sa huli, buo ang paninindigan ni Goitia: \u201cIbubulgar natin ang tiwali. Lalabanan natin ang mga walang malasakit. Susuporta tayo sa Pangulong may tapang humarap sa korapsyon. Dahil hindi lang ito politika, buhay at dangal ng bawat Pilipino ang nakataya.\u201d<\/p>\n\n\n\n<p>Si Dr. Jose Antonio Goitia ay kinikilala bilang Chairman Emeritus ng apat na makabayang at sibikong organisasyon: ang Alyansa ng Bantay sa Kapayapaan at Demokrasya (ABKD), People\u2019s Alliance for Democracy and Reforms (PADER), Liga Independencia Pilipinas (LIPI), at Filipinos Do Not Yield (FDNY) Movement.<\/p>\n\n\n\n<p>Buboi Patriarca nag-uulat para sa RoadNews<\/p>\n","protected":false},"excerpt":{"rendered":"<p>Ni buboi Patriarca &ldquo;Sa panahong dumaranas ng matitinding pagbaha at iba&rsquo;t ibang uri ng kalamidad,&#8230;<\/p>\n","protected":false},"author":2,"featured_media":0,"comment_status":"open","ping_status":"closed","sticky":false,"template":"","format":"standard","meta":{"footnotes":""},"categories":[1],"tags":[],"class_list":["post-2374","post","type-post","status-publish","format-standard","hentry","category-uncategorized"],"featured_image_urls":{"full":"","thumbnail":"","medium":"","medium_large":"","large":"","1536x1536":"","2048x2048":"","covernews-featured":"","covernews-medium":""},"author_info":{"display_name":"Darwell Baldos","author_link":"https:\/\/roadnews.net\/index.php\/author\/darwell\/"},"category_info":"<a href=\"https:\/\/roadnews.net\/index.php\/category\/uncategorized\/\" rel=\"category tag\">Uncategorized<\/a>","tag_info":"Uncategorized","comment_count":"0","_links":{"self":[{"href":"https:\/\/roadnews.net\/index.php\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/2374","targetHints":{"allow":["GET"]}}],"collection":[{"href":"https:\/\/roadnews.net\/index.php\/wp-json\/wp\/v2\/posts"}],"about":[{"href":"https:\/\/roadnews.net\/index.php\/wp-json\/wp\/v2\/types\/post"}],"author":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/roadnews.net\/index.php\/wp-json\/wp\/v2\/users\/2"}],"replies":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/roadnews.net\/index.php\/wp-json\/wp\/v2\/comments?post=2374"}],"version-history":[{"count":1,"href":"https:\/\/roadnews.net\/index.php\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/2374\/revisions"}],"predecessor-version":[{"id":2377,"href":"https:\/\/roadnews.net\/index.php\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/2374\/revisions\/2377"}],"wp:attachment":[{"href":"https:\/\/roadnews.net\/index.php\/wp-json\/wp\/v2\/media?parent=2374"}],"wp:term":[{"taxonomy":"category","embeddable":true,"href":"https:\/\/roadnews.net\/index.php\/wp-json\/wp\/v2\/categories?post=2374"},{"taxonomy":"post_tag","embeddable":true,"href":"https:\/\/roadnews.net\/index.php\/wp-json\/wp\/v2\/tags?post=2374"}],"curies":[{"name":"wp","href":"https:\/\/api.w.org\/{rel}","templated":true}]}}