{"id":3079,"date":"2025-10-18T21:22:08","date_gmt":"2025-10-18T13:22:08","guid":{"rendered":"https:\/\/roadnews.net\/?p=3079"},"modified":"2025-10-18T21:22:09","modified_gmt":"2025-10-18T13:22:09","slug":"goitia-pinuri-ang-hakbang-ng-deped-pagtuturo-ng-kaalaman-ng-ating-karagatan-kakambal-ay-pagpapatibay-ng-bansa","status":"publish","type":"post","link":"https:\/\/roadnews.net\/index.php\/2025\/10\/18\/goitia-pinuri-ang-hakbang-ng-deped-pagtuturo-ng-kaalaman-ng-ating-karagatan-kakambal-ay-pagpapatibay-ng-bansa\/","title":{"rendered":"Goitia, Pinuri ang Hakbang ng DepEd: Pagtuturo ng Kaalaman ng Ating Karagatan, Kakambal ay Pagpapatibay ng Bansa"},"content":{"rendered":"\n<p class=\"wp-block-paragraph\">ni Buboi Patriaraca<\/p>\n\n\n\n<p class=\"wp-block-paragraph\">Pinuri ni Chairman Emeritus Dr. Jose Antonio Goitia ang plano ng Department of Education (DepEd) na isama sa kurikulum ng mga mag-aaral ang aralin tungkol sa West Philippine Sea (WPS). Ayon sa kanya, ito ay \u201cmatalino at makabayang hakbang para palakasin ang kamalayang pambansa.\u201d<\/p>\n\n\n\n<p class=\"wp-block-paragraph\">\u201cHindi mo maipagtatanggol ang isang bagay na hindi mo alam,\u201d ani Goitia. \u201cKapag itinuro natin sa mga bata ang tungkol sa West Philippine Sea (WPS), hindi lang heograpiya ang itinuturo natin kundi maging ang pagtuturo ng pagmamahal sa bayan.\u201d<\/p>\n\n\n\n<p class=\"wp-block-paragraph\">Kamakailan, namataan ang mga barko ng China na lumapit nang mapanganib sa Pag-asa (Thitu) Island at gumamit ng water cannon laban sa mga barkong Pilipino na nagpapatrolya sa lugar. Noong Hunyo ng nakaraang taon, ilang sundalong Pilipino naman ang nasugatan sa Second Thomas Shoal matapos sakyan at atakehin ng China Coast Guard \u2014 bagay na kinondena ng Estados Unidos, European Union, at iba pang bansa bilang malinaw na paglabag sa soberanya ng Pilipinas. Ilan lamang ito sa mga insidenteng nagpapakita ng patuloy na panggigipit at agresibong kilos ng China sa ating karagatan.<\/p>\n\n\n\n<figure class=\"wp-block-image size-large\"><img loading=\"lazy\" decoding=\"async\" width=\"1024\" height=\"1024\" src=\"https:\/\/roadnews.net\/wp-content\/uploads\/2025\/10\/image-7-1024x1024.png\" alt=\"\" class=\"wp-image-3080\" srcset=\"https:\/\/roadnews.net\/wp-content\/uploads\/2025\/10\/image-7-1024x1024.png 1024w, https:\/\/roadnews.net\/wp-content\/uploads\/2025\/10\/image-7-1536x1536.png 1536w, https:\/\/roadnews.net\/wp-content\/uploads\/2025\/10\/image-7-150x150.png 150w, https:\/\/roadnews.net\/wp-content\/uploads\/2025\/10\/image-7-300x300.png 300w, https:\/\/roadnews.net\/wp-content\/uploads\/2025\/10\/image-7-768x768.png 768w, https:\/\/roadnews.net\/wp-content\/uploads\/2025\/10\/image-7.png 2048w\" sizes=\"auto, (max-width: 1024px) 100vw, 1024px\" \/><\/figure>\n\n\n\n<p class=\"wp-block-paragraph\">Edukasyon Bilang Depensa ng Bayan<\/p>\n\n\n\n<p class=\"wp-block-paragraph\">Para kay Goitia, ang silid-aralan ay isa ring linya ng depensa ng bansa. Aniya, ang maling impormasyon ay kasing delikado ng anumang banta mula sa labas.<\/p>\n\n\n\n<p class=\"wp-block-paragraph\">\u201cNagpapakalat ang China ng mga kasinungalingan para bigyang-katwiran ang kanilang mga pag-angkin sa ating karagatan. Dapat itong tapatan ng Pilipinas sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng katotohanan,\u201d paliwanag niya. \u201cKapag alam ng mga estudyante ang tungkol sa 2016 Arbitral Ruling at sa ating Exclusive Economic Zone (EEZ), magkakaroon sila ng totoong kaalaman at malasakit sa tunay na pag-aari ng sambayanang Pilipino.\u201d<\/p>\n\n\n\n<p class=\"wp-block-paragraph\">Idinagdag ni Goitia na hindi lang ito tungkol sa kasaysayan, kundi sa paghubog ng mga kabataang magmamalasakit sa bayan.<\/p>\n\n\n\n<p class=\"wp-block-paragraph\">\u201cAng soberanya ay hindi lang salita,\u201d aniya. \u201cIto ay kabuhayan ng ating mga mangingisda, likas na yaman ng bansa, at dangal ng bawat Pilipino.\u201d<\/p>\n\n\n\n<p class=\"wp-block-paragraph\">Binigyang-diin din niya ang pagbibigay ng suporta sa mga guro sa pamamagitan ng tamang kagamitan at pagsasanay.<\/p>\n\n\n\n<p class=\"wp-block-paragraph\">\u201cAng mga guro natin ang kinakailangang mas may kaalaman dahil sila ang nakaumang sa harap ng laban na ito. Kailangan nila ng mga mapa, materyales, at tamang gabay \u2014 hindi lang mga leksiyon kundi inspirasyon.\u201d<\/p>\n\n\n\n<p class=\"wp-block-paragraph\">Pagtuturo ng Katotohanan, Pagbubuo ng Pagkakaisa<\/p>\n\n\n\n<p class=\"wp-block-paragraph\">Paalala ni Goitia, nagiging mapanganib ang kasinungalingan kapag ito\u2019y inuulit nang inuulit hanggang magmistulang totoo. Aniya, ang edukasyon ang pinakamabisang sandata laban dito sapagkat ito ang humuhubog ng kamalayan, mapanuring pag-iisip, at tibay ng loob ng kabataan.<\/p>\n\n\n\n<p class=\"wp-block-paragraph\">\u201cKapag alam ng mga bata ang katotohanan, mas mahirap silang malinlang at mas madali silang magkaisa.\u201d<\/p>\n\n\n\n<p class=\"wp-block-paragraph\">Ayon pa sa kanya, ang hakbang ng DepEd ay higit pa sa pagbabago ng kurikulum; ito ay hakbang tungo sa mas matatag na pagkakakilanlan bilang isang bansa.<\/p>\n\n\n\n<p class=\"wp-block-paragraph\">\u201cAng laban para sa ating karagatan ay hindi lang sa dagat,\u201d pahayag ni Goitia. \u201cIto ay nagsisimula sa paghubog ng isip at puso ng kabataan sa loob ng silid-aralan.\u201d<\/p>\n\n\n\n<p class=\"wp-block-paragraph\">Iminungkahi rin niya na magkaroon ng debate, sanaysay, at mga malikhaing proyekto sa mga paaralan upang maging mas kawili-wili at kapaki-pakinabang ang pagtalakay sa West Philippine Sea (WPS).<\/p>\n\n\n\n<p class=\"wp-block-paragraph\">\u201cHindi sapat na makita ng mga bata ang West Philippine Sea (WPS) sa mapa,\u201d pahayag ni Goitia. \u201cDapat nila itong maramdaman sa mga kuwento at awitin, sapagkat doon umuusbong ang tunay na diwa ng pagiging makabayan.\u201d<\/p>\n\n\n\n<p class=\"wp-block-paragraph\">Pagbabantay sa Katubigan, Pagbabantay sa Katotohanan<\/p>\n\n\n\n<p class=\"wp-block-paragraph\">Ayon kay Goitia, ang hakbang na ito ng DepEd ay tugma sa pagsisikap ng pamahalaan na paigtingin ang depensa sa karagatan.<\/p>\n\n\n\n<p class=\"wp-block-paragraph\">\u201cHabang binabantayan ng ating Coast Guard ang karagatan, ang ating mga guro naman ang magbabantay sa katotohanan,\u201d aniya. \u201cPareho silang tagapagtanggol ng Republika.\u201d<\/p>\n\n\n\n<p class=\"wp-block-paragraph\">Sa pagtatapos, ibinahagi ni Goitia ang mensaheng sumasalamin sa kanyang matagal nang paninindigan:<\/p>\n\n\n\n<p class=\"wp-block-paragraph\">Sa pagtatapos, ibinahagi ni Goitia ang mensaheng sumasalamin sa kanyang matagal nang paninindigan:<\/p>\n\n\n\n<p class=\"wp-block-paragraph\">Si Dr. Jose Antonio Goitia ay kinikilala bilang Chairman Emeritus ng apat na makabayang at sibikong organisasyon: Alyansa ng Bantay sa Kapayapaan at Demokrasya (ABKD), People\u2019s Alliance for Democracy and Reforms (PADER), Liga Independencia Pilipinas (LIPI), at Filipinos Do Not Yield (FDNY) Movement.(( ))<br><\/p>\n\n\n\n<p class=\"wp-block-paragraph\">Buboi Patriarca nag-uulat para sa RoadNews<\/p>\n","protected":false},"excerpt":{"rendered":"<p>ni Buboi Patriaraca Pinuri ni Chairman Emeritus Dr. Jose Antonio Goitia ang plano ng Department&#8230;<\/p>\n","protected":false},"author":1,"featured_media":0,"comment_status":"open","ping_status":"closed","sticky":false,"template":"","format":"standard","meta":{"footnotes":""},"categories":[14],"tags":[],"class_list":["post-3079","post","type-post","status-publish","format-standard","hentry","category-bansa"],"featured_image_urls":{"full":"","thumbnail":"","medium":"","medium_large":"","large":"","1536x1536":"","2048x2048":"","covernews-featured":"","covernews-medium":""},"author_info":{"display_name":"admin","author_link":"https:\/\/roadnews.net\/index.php\/author\/ldjtkwtu\/"},"category_info":"<a href=\"https:\/\/roadnews.net\/index.php\/category\/bansa\/\" rel=\"category tag\">BANSA<\/a>","tag_info":"BANSA","comment_count":"0","_links":{"self":[{"href":"https:\/\/roadnews.net\/index.php\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/3079","targetHints":{"allow":["GET"]}}],"collection":[{"href":"https:\/\/roadnews.net\/index.php\/wp-json\/wp\/v2\/posts"}],"about":[{"href":"https:\/\/roadnews.net\/index.php\/wp-json\/wp\/v2\/types\/post"}],"author":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/roadnews.net\/index.php\/wp-json\/wp\/v2\/users\/1"}],"replies":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/roadnews.net\/index.php\/wp-json\/wp\/v2\/comments?post=3079"}],"version-history":[{"count":1,"href":"https:\/\/roadnews.net\/index.php\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/3079\/revisions"}],"predecessor-version":[{"id":3081,"href":"https:\/\/roadnews.net\/index.php\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/3079\/revisions\/3081"}],"wp:attachment":[{"href":"https:\/\/roadnews.net\/index.php\/wp-json\/wp\/v2\/media?parent=3079"}],"wp:term":[{"taxonomy":"category","embeddable":true,"href":"https:\/\/roadnews.net\/index.php\/wp-json\/wp\/v2\/categories?post=3079"},{"taxonomy":"post_tag","embeddable":true,"href":"https:\/\/roadnews.net\/index.php\/wp-json\/wp\/v2\/tags?post=3079"}],"curies":[{"name":"wp","href":"https:\/\/api.w.org\/{rel}","templated":true}]}}