{"id":3368,"date":"2025-11-28T16:14:28","date_gmt":"2025-11-28T08:14:28","guid":{"rendered":"https:\/\/roadnews.net\/?p=3368"},"modified":"2025-11-28T16:14:29","modified_gmt":"2025-11-28T08:14:29","slug":"doh-kinastigo-sa-palpak-na-pagbili-ng-bakuna-at-no-ballance-billing-sa-public-hospitals","status":"publish","type":"post","link":"https:\/\/roadnews.net\/index.php\/2025\/11\/28\/doh-kinastigo-sa-palpak-na-pagbili-ng-bakuna-at-no-ballance-billing-sa-public-hospitals\/","title":{"rendered":"DOH, kinastigo sa palpak na pagbili ng bakuna at NO BALLANCE BILLING sa public hospitals"},"content":{"rendered":"\n<p>Ni Ernie Reyes<\/p>\n\n\n\n<p>Tumanggap ng matinding pagkastigo mula kay Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano si Health Secretary Ted Herbosa sanhi ng ilang kapalpakan ng Department of Health (DOH) at Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) hinggil sa pagbili ng bakuna, \u201cno balance billing\u201d at \u2018zero balance billing,\u201d sa public hospital.<\/p>\n\n\n\n<p>Sa ginanap na deliberasyon ng 2026 budget ng DOH, hinamon din ni Cayetano si Herbosa na magbitiw sa tungkuling kapag napatunayan ng mambabatas na kaya nitong gawin ang cost analysis survey ng PhilHealth sa loob ng isang linggo. &nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p>Unang pinuna ni Cayetano ang kapalpakan ng DOH sa pagbili ng bakuna sa ginanap na deliberasyon ng badyet ng ahensiya nitong Miyerkoles na inabot ng madaling araw.<\/p>\n\n\n\n<p>Sa plenaryo, uminit ang deliberasyon matapos mabigo si Herbosa na maipangakong makabibili kaagad ng bakuna tulad ng anti-Flu vaccine sa senior citizens na hindi napapaso ang bisa ng gamot.<\/p>\n\n\n\n<figure class=\"wp-block-image size-full\"><img loading=\"lazy\" decoding=\"async\" width=\"940\" height=\"788\" src=\"https:\/\/roadnews.net\/wp-content\/uploads\/2025\/11\/RoadNews-official-photo-format-30.png\" alt=\"\" class=\"wp-image-3369\" srcset=\"https:\/\/roadnews.net\/wp-content\/uploads\/2025\/11\/RoadNews-official-photo-format-30.png 940w, https:\/\/roadnews.net\/wp-content\/uploads\/2025\/11\/RoadNews-official-photo-format-30-300x251.png 300w, https:\/\/roadnews.net\/wp-content\/uploads\/2025\/11\/RoadNews-official-photo-format-30-768x644.png 768w\" sizes=\"auto, (max-width: 940px) 100vw, 940px\" \/><\/figure>\n\n\n\n<p>\u201cKung hindi magagarantiyahan ng Kalihim na wala nang pagkakaantala ang pagbili sa susunod na taon, then he has no business being Secretary,\u201d tugon ni Cayetano kay Herbosa.<\/p>\n\n\n\n<p>Uminit ang ulo ni Cayetano nang pag-usapan sa &nbsp;plenaryo ang bakuna nang marinig ang dahilan ng kalihim kung bakit ilang taon nang naantala ang paghahatid ng bakuha sa lokal na pamahalaan.<\/p>\n\n\n\n<p>Hinala ni Cayetano, hindi ito ginagawang prayoridad ng DOH kaya naantala ang pagbili ng bakuna saka ihatid sa local government units (LGUs) upang maipamahagi sa mamamayan partikular sa senior citizens at mahihirap. &nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p>\u201cAll around the world, ang flu vaccine, ibinibigay sa matatanda ng March at April. Even assuming na nanggagaling pa sa Western countries at sabihin mong dumating dito ng August o July, ngayong&nbsp;November na wala pa rin silang vaccine for flu, and it expires on December 31,\u201d ayon kay Cayetano.<\/p>\n\n\n\n<p>\u201cIt\u2019s unacceptable! Kailan magbabago \u2018yan?,\u201d tanong ng senador.<\/p>\n\n\n\n<p>Kuhang kuha lalo ni Herbosa ang inis ni Cayetano lalo na\u2019t idinadahilan pa niya ang problema sa bidding.<\/p>\n\n\n\n<p>\u201cEver since Secretary Herbosa took over, it\u2019s late or kulang\u2026Two years na, parating late!\u201d ani Cayetano.&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p>\u201cCan you guarantee us in 2026 there will be no delays? Because if not, let&#8217;s get a secretary who can,\u201d ayon kay Cayetano.<\/p>\n\n\n\n<p>Binanatan din ni Cayetano ang itinuturing nitong mapanlinlang na&nbsp;\u201cno balance billing,\u201d na nagsisilbing pogi points lang kay Pangulong Ferdinand \u201cBongbong\u201d Marcos Jr.,<\/p>\n\n\n\n<p>Sa kanyang bungad sa deliberasyon, sinabi ni Cayetano na parang false advertising ang \u201cno balance billing\u201d (NBB) ng DOH&nbsp;at PhilHealth dahil hindi tumutugma ang programa sa karanasan ng pasyente sa aktuwal na pangyayari o reyalidad.<\/p>\n\n\n\n<p>\u201cAng basis ng conversation is trust eh, so if you tell people na &#8216;no balance&#8217; pero may balance, why would they name it no balance kung may balance?&#8221; wika ng senador sa ginanap na 2026 DOH plenary budget hearing nitong November 27, 2025.<\/p>\n\n\n\n<p>&#8220;So hindi \u2018no balance\u2019 iyon. Isn\u2019t that false advertising?\u201d dagdag niya.<\/p>\n\n\n\n<p>Ipinaliwanag naman ni Health Secretary Ted Herbosa na may pagkakaiba ang Zero Balance Billing sa No Balance Billing na ipinatutupad ngayon ng administrasyon.<\/p>\n\n\n\n<p>Aniya, ang Zero Balance Billing ay para lamang sa DOH operated hospitals at basic ward patients, habang ang NBB ay limitado sa mga indigent at naaayon lamang sa PhilHealth case rates.<\/p>\n\n\n\n<p>Para kay Cayetano, magulo at nakakalito ang mga termino na ginagamit ng administrasyon na nagpapagulo sa kaisipan ng mamamayan.<\/p>\n\n\n\n<p>Aniya, nakakasira ng tiwala ng publiko ang pagpapaasa na parang libero ang lahat ng Pilipino sa alinmang pagamutan ng pamahalaan, pero kakaiba ang aktuwal na pangyayari.<\/p>\n\n\n\n<p>Dagdag pa niya ay nakakasira ng tiwala sa publiko ang pagpapaasa na parang libre ang lahat ng Pilipino sa anumang pampublikong ospital.<\/p>\n\n\n\n<p>\u201cWe cannot keep announcing programs that confuse the public and fail them in practice. Either i-no balance nila talaga or palitan nila y\u2019ung pangalan,\u201d ayon sa senador. &nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p>Kasabay nito, mukhang napasubo naman si Herbosa sa hamon ni Cayetano na magbibitiw siya sa tungkulin kapag napatunayan ng senador na kaya nitong tapusin ang cost analysis survey ng PhilHealth sa loob ng isang linggo.<\/p>\n\n\n\n<p>Hinamon ni Cayetano si Herbosa na magbitiw sa tungkulin kapag napatunayan nito ang cost analysis survey ng PhilHealth sa loob ng isang linggo.<\/p>\n\n\n\n<p>&nbsp;\u201cIf I can do it in one week, magre-resign ka?\u201d hamon ni Cayetano sa DOH chief.<\/p>\n\n\n\n<p>Sagot naman ni Herbosa, \u201cYes.\u201d&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p>Sa puntong ito, agad na tinutugon ni Cayetano ang hamon saka binanggit na kailangan magtungo ang kalihim sa Senado dakong alas kuwatro ng hapon ngayon, Huwebes.<\/p>\n\n\n\n<p>\u201cSige, call ako. Be here (Senate) at 4 o&#8217;clock tomorrow,\u201d ayon kay Cayetano.<\/p>\n\n\n\n<p>Nag-ugat ang hamon ng senador sanhi ng naantalang pagtatapos ng survey kahit 160 hospial lang ang kailangang sumagot na nagiging dahilan kung bakit nalilito ang publiko hinggil sa \u201cNo Balance Billing Policy.\u201d<\/p>\n\n\n\n<p>Iginiit ng mambabatas na hindi tumutugma ang pangako ng gobyerno sa \u201cNo Balance Billing Policy\u201d sa aktuwal na gastos sa ospital sanhi ng lumang case rates.<\/p>\n\n\n\n<p>Kinastigo din ni Cayetano ang PhilHealth dahil pitong taon nang hindi nagagawa nang maayos ang survey. &nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p>\u201cPinapahirapan niyo ang sarili nyo. Seven years kayong hindi nag-survey. Last year, nilagyan niyo lang ng percentage. Ngayon, November na, wala pa rin,\u201d aniya.<\/p>\n\n\n\n<p>Paniniwala ni Cayetano na hindi kumplikado ang survey at masyado lang pinapahirapan ng PhilHealth ang proseso.&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p>Aniya sapat na ang direktang paghingi sa bawat ospital ng kanilang costing upang matapos ang survey.<\/p>\n\n\n\n<p>\u201cAll you have to do is ask all the hospitals, yung bawat magkano yon\u2026Habang wala iyan, niloloko natin ang tao sa billing nila. Litong-lito na sila,\u201d aniya.&nbsp;<\/p>\n","protected":false},"excerpt":{"rendered":"<p>Ni Ernie Reyes Tumanggap ng matinding pagkastigo mula kay Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano&#8230;<\/p>\n","protected":false},"author":1,"featured_media":0,"comment_status":"open","ping_status":"closed","sticky":false,"template":"","format":"standard","meta":{"footnotes":""},"categories":[14],"tags":[],"class_list":["post-3368","post","type-post","status-publish","format-standard","hentry","category-bansa"],"featured_image_urls":{"full":"","thumbnail":"","medium":"","medium_large":"","large":"","1536x1536":"","2048x2048":"","covernews-featured":"","covernews-medium":""},"author_info":{"display_name":"admin","author_link":"https:\/\/roadnews.net\/index.php\/author\/ldjtkwtu\/"},"category_info":"<a href=\"https:\/\/roadnews.net\/index.php\/category\/bansa\/\" rel=\"category tag\">BANSA<\/a>","tag_info":"BANSA","comment_count":"0","_links":{"self":[{"href":"https:\/\/roadnews.net\/index.php\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/3368","targetHints":{"allow":["GET"]}}],"collection":[{"href":"https:\/\/roadnews.net\/index.php\/wp-json\/wp\/v2\/posts"}],"about":[{"href":"https:\/\/roadnews.net\/index.php\/wp-json\/wp\/v2\/types\/post"}],"author":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/roadnews.net\/index.php\/wp-json\/wp\/v2\/users\/1"}],"replies":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/roadnews.net\/index.php\/wp-json\/wp\/v2\/comments?post=3368"}],"version-history":[{"count":1,"href":"https:\/\/roadnews.net\/index.php\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/3368\/revisions"}],"predecessor-version":[{"id":3370,"href":"https:\/\/roadnews.net\/index.php\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/3368\/revisions\/3370"}],"wp:attachment":[{"href":"https:\/\/roadnews.net\/index.php\/wp-json\/wp\/v2\/media?parent=3368"}],"wp:term":[{"taxonomy":"category","embeddable":true,"href":"https:\/\/roadnews.net\/index.php\/wp-json\/wp\/v2\/categories?post=3368"},{"taxonomy":"post_tag","embeddable":true,"href":"https:\/\/roadnews.net\/index.php\/wp-json\/wp\/v2\/tags?post=3368"}],"curies":[{"name":"wp","href":"https:\/\/api.w.org\/{rel}","templated":true}]}}