{"id":4164,"date":"2026-02-20T13:29:39","date_gmt":"2026-02-20T05:29:39","guid":{"rendered":"https:\/\/roadnews.net\/?p=4164"},"modified":"2026-02-20T13:29:40","modified_gmt":"2026-02-20T05:29:40","slug":"pagkukulang-ng-gobyerno-sa-pagprotekta-ng-municipal-waters-pinuna-ni-legarda","status":"publish","type":"post","link":"https:\/\/roadnews.net\/index.php\/2026\/02\/20\/pagkukulang-ng-gobyerno-sa-pagprotekta-ng-municipal-waters-pinuna-ni-legarda\/","title":{"rendered":"PAGKUKULANG NG GOBYERNO SA PAGPROTEKTA NG MUNICIPAL WATERS, PINUNA ni Legarda"},"content":{"rendered":"\n<p><em>Ni Ernie Reyes<\/em><\/p>\n\n\n\n<p>Iginiit ni Senadora Loren Legarda ang agarang pangangailangan na palakasin ang proteksyon sa municipal waters at sa maliliit na mangingisda, matapos ipakita ng kaso ng Mercidar Fishing Corp. sa pagdinig ng Senate Committee on Agriculture, Food and Agrarian Reform noong Pebrero 18 ang kahinaan ng umiiral na mga pananggalang.<\/p>\n\n\n\n<p>Ipinunto ng mambabatas na ang mga pagkukulang ng gobyerno sa maagap na pagtugon ang nagbunsod sa desisyon ng Korte Suprema na nagtanggal ng probisyon para sa eksklusibong paggamit ng municipal waters ng maliliit na mangingisda\u2014hindi dahil sa nilalaman ng Fisheries Code, kundi dahil sa procedural na pagkaantala.<\/p>\n\n\n\n<p>Dahil dito, naging bukas ang municipal waters sa komersyal na panghihimasok, na nagdulot ng hindi patas na kompetisyon at banta sa kabuhayan ng mga mangingisda. Sa pagbaba ng produksyon ng pangisdaan sa 3.96 milyong metriko tonelada noong 2025\u2014pinakamababa sa loob ng dalawang dekada\u2014lalo pang lumala ang epekto ng Mercidar case sa 965 coastal municipalities at 25 coastal cities sa 67 probinsya, kung saan nakatira ang halos 60% ng mga Pilipino.<\/p>\n\n\n\n<p>Tinuligsa ng apat na termino na senador ang mga pagkukulang ng Department of Agriculture (DA) at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), na sa pamamagitan ng Office of the Solicitor General ay nabigong magsumite ng tamang tugon sa oras. Dahil dito, idineklara ng Malabon Regional Trial Court\u2014na kalaunan ay pinagtibay ng Korte Suprema\u2014na labag sa Konstitusyon ang mga probisyon na naglalaan ng municipal waters para sa maliliit na mangingisda.<\/p>\n\n\n\n<figure class=\"wp-block-image size-full\"><img loading=\"lazy\" decoding=\"async\" width=\"940\" height=\"788\" src=\"https:\/\/roadnews.net\/wp-content\/uploads\/2026\/02\/RoadNews-official-photo-format-2026-02-20T132856.645.png\" alt=\"\" class=\"wp-image-4165\" srcset=\"https:\/\/roadnews.net\/wp-content\/uploads\/2026\/02\/RoadNews-official-photo-format-2026-02-20T132856.645.png 940w, https:\/\/roadnews.net\/wp-content\/uploads\/2026\/02\/RoadNews-official-photo-format-2026-02-20T132856.645-300x251.png 300w, https:\/\/roadnews.net\/wp-content\/uploads\/2026\/02\/RoadNews-official-photo-format-2026-02-20T132856.645-768x644.png 768w\" sizes=\"auto, (max-width: 940px) 100vw, 940px\" \/><\/figure>\n\n\n\n<p>\u201cUna, hindi timely response. Pangalawa, late filing. Ibig sabihin, hindi sa merits ng municipal waters at ng fisheries code. Dahil ang gobyerno ay nahuli dalawang beses,\u201d saad ni Legarda.<\/p>\n\n\n\n<p>Inihayag ni Legarda na ang 15-kilometrong municipal waters ay dapat manatiling eksklusibong nakalaan para sa maliliit na mangingisda. Upang maibalik ang proteksyon at muling kilalanin ang kanilang konstitusyonal na karapatan, inihain niya ang Senate Bill No. 522 o Municipal Fisherfolk Protection Act. Layunin nitong palakasin ang proteksyon at tiyakin ang pangmatagalang kabuhayan ng mga pamayanang baybayin.<\/p>\n\n\n\n<p>\u201cMahalaga na maibalik ang proteksyon sa ating municipal waters. Sa pamamagitan ng Municipal Fisherfolk Protection Act na aking inihain, dapat muling kilalanin at pangalagaan ang eksklusibong karapatan ng maliliit na mangingisda,\u201d pahayag ni Legarda.<\/p>\n\n\n\n<p>Sa panukalang batas, binibigyang-priyoridad ang mga rehistradong kooperatiba ng mangingisda sa pagbibigay ng fishing rights, nagtatakda ng mahigpit na science based safeguards bago payagan ang anumang komersyal na operasyon, at nagbibigay ng suporta sa kabuhayan at institusyon upang matiyak ang sustenabilidad at katarungang panlipunan.<\/p>\n\n\n\n<p>Dagdag pa ni Legarda, ang mga reporma ay dapat maghatid ng konkretong tulong sa mga mangingisda, kabilang ang pondo at pasilidad gaya ng cold storage at processing, upang maiahon ang 27.4% na nananatiling mahirap. Binanggit din niya ang kahalagahan ng direktang pag-abot ng fuel subsidies sa ilalim ng Pantawid Pambangka Act upang maibsan ang 60% na bahagi ng gastos sa krudo na pumapasan sa kanilang kabuhayan.<\/p>\n\n\n\n<p>Binigyang-diin ni Legarda na hindi uusad ang mga reporma kung ang mga pangunahing opisyal ng mga ahensya ay patuloy na hindi dumadalo sa mahahalagang deliberasyon at hindi direktang sumasagot sa mga polisiyang nakakaapekto sa milyun-milyong mangingisda.<\/p>\n\n\n\n<p>\u201cPag sila\u2019y humihingi ng kanilang taunang budget, nandito lahat at nagaantay maski overnight. Pero pag mga panukalang batas na naapektuhan lalo na ang taong bayan, wala sila,\u201d saad ni Legarda, na tumutukoy sa hindi pagdalo ng mga pangunahing opisyal sa naturang hearing.<\/p>\n\n\n\n<p>Hinimok ni Legarda ang mga ahensya na ipadala ang kanilang mga opisyal at maging ganap na handa sa susunod na pagdinig sa Senado, sapagkat hindi maaaring ipasa lamang sa mga kinatawan ang pananagutan sa mga batas na may direktang epekto sa mga pamayanang baybayin at pamilyang mangingisda.<\/p>\n\n\n\n<p>Sa pagtatapos, ipinaalala niya na ang mga panukalang batas ay dapat maghatid ng tunay na proteksyon at dignidad para sa sektor ng pangisdaan.<\/p>\n\n\n\n<p>\u201cAng mga panukalang ito ay dapat magbigay ng tunay na dignidad at siguridad sa ating mga mangingisdang Pilipino,\u201d aniya.&nbsp;<\/p>\n","protected":false},"excerpt":{"rendered":"<p>Ni Ernie Reyes Iginiit ni Senadora Loren Legarda ang agarang pangangailangan na palakasin ang proteksyon&#8230;<\/p>\n","protected":false},"author":1,"featured_media":0,"comment_status":"open","ping_status":"closed","sticky":false,"template":"","format":"standard","meta":{"footnotes":""},"categories":[14],"tags":[],"class_list":["post-4164","post","type-post","status-publish","format-standard","hentry","category-bansa"],"featured_image_urls":{"full":"","thumbnail":"","medium":"","medium_large":"","large":"","1536x1536":"","2048x2048":"","covernews-featured":"","covernews-medium":""},"author_info":{"display_name":"admin","author_link":"https:\/\/roadnews.net\/index.php\/author\/ldjtkwtu\/"},"category_info":"<a href=\"https:\/\/roadnews.net\/index.php\/category\/bansa\/\" rel=\"category tag\">BANSA<\/a>","tag_info":"BANSA","comment_count":"0","_links":{"self":[{"href":"https:\/\/roadnews.net\/index.php\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/4164","targetHints":{"allow":["GET"]}}],"collection":[{"href":"https:\/\/roadnews.net\/index.php\/wp-json\/wp\/v2\/posts"}],"about":[{"href":"https:\/\/roadnews.net\/index.php\/wp-json\/wp\/v2\/types\/post"}],"author":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/roadnews.net\/index.php\/wp-json\/wp\/v2\/users\/1"}],"replies":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/roadnews.net\/index.php\/wp-json\/wp\/v2\/comments?post=4164"}],"version-history":[{"count":1,"href":"https:\/\/roadnews.net\/index.php\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/4164\/revisions"}],"predecessor-version":[{"id":4166,"href":"https:\/\/roadnews.net\/index.php\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/4164\/revisions\/4166"}],"wp:attachment":[{"href":"https:\/\/roadnews.net\/index.php\/wp-json\/wp\/v2\/media?parent=4164"}],"wp:term":[{"taxonomy":"category","embeddable":true,"href":"https:\/\/roadnews.net\/index.php\/wp-json\/wp\/v2\/categories?post=4164"},{"taxonomy":"post_tag","embeddable":true,"href":"https:\/\/roadnews.net\/index.php\/wp-json\/wp\/v2\/tags?post=4164"}],"curies":[{"name":"wp","href":"https:\/\/api.w.org\/{rel}","templated":true}]}}