{"id":4501,"date":"2026-04-15T19:44:33","date_gmt":"2026-04-15T11:44:33","guid":{"rendered":"https:\/\/roadnews.net\/?p=4501"},"modified":"2026-04-15T19:44:33","modified_gmt":"2026-04-15T11:44:33","slug":"ayuda-ng-gobyerno-hindi-ramdam-ng-tao-buwis-diesel-gasoline-tanggalin-na-legarda","status":"publish","type":"post","link":"https:\/\/roadnews.net\/index.php\/2026\/04\/15\/ayuda-ng-gobyerno-hindi-ramdam-ng-tao-buwis-diesel-gasoline-tanggalin-na-legarda\/","title":{"rendered":"AYUDA NG GOBYERNO, HINDI RAMDAM NG TAO; BUWIS DIESEL, GASOLINE, TANGGALIN NA \u2013 Legarda"},"content":{"rendered":"\n<p>Ni Ernie Reyes<\/p>\n\n\n\n<p>Nanawagan si Senadora Loren Legarda sa pamahalaan &nbsp;na agad suspindihin ang excise tax at value-added tax (VAT) sa diesel at gasolina, kasabay ng pagbibigay-diin na mabagal ang tugon ng pamahalaan at baka huli na itong dumating para sa milyun-milyong Pilipinong hirap na sa taas ng presyo.<\/p>\n\n\n\n<p>Ito ay kasunod ng press conference ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. noong Abril 13, 2026, kung saan inanunsyo niya ang suspensyon ng excise tax sa LPG at kerosene. Binanggit din niya na pag-uusapan pa sa susunod na UPLIFT meeting ang posibleng suspensyon ng excise tax sa diesel at gasolina.<\/p>\n\n\n\n<p>\u201cMalaking tulong ang suspensyon ng buwis sa LPG at kerosene dahil direktang naaapektuhan nito ang mga kabahayan at ang food service sector. Ngunit nakapagtataka na hindi pa rin tinutugunan ang pangunahing panawagan ng taumbayan, ang diesel at gasolina na siyang ginagamit ng magsasaka, tsuper, at mangingisda para kumita. Anim na linggo na mula nang sumiklab ang krisis sa Middle East, hanggang ngayon ba ay hindi pa din tapos ang pag-uusap sa polisiyang ito?,\u201d ani Legarda.<\/p>\n\n\n\n<p>Muling iginiit ni Legarda ang agarang suspensyon ng buwis sa petrolyo, na aniya\u2019y may direktang, agarang, at pambansang epekto.<\/p>\n\n\n\n<p>\u201cSa presyong&nbsp;\u20b1150 kada litro ng diesel, aabot sa humigit-kumulang&nbsp;\u20b122.07 ang matitipid kung pansamantalang aalisin ng gobyerno ang&nbsp;\u20b16 excise tax at 12% VAT. Samantala, sa gasolina na nasa&nbsp;\u20b190 kada litro, mababawasan naman ng humigit-kumulang&nbsp;\u20b119.64 kada litro kung aalisin ang&nbsp;\u20b110 excise tax at 12% VAT. Kung agad tayong gagalaw, ang diesel na&nbsp;\u20b1150 ay magiging&nbsp;\u20b1128 at ang gasolina na&nbsp;\u20b190, magiging&nbsp;\u20b170 na lamang. Direkta itong mararamdaman ng mga mangingisda, magsasaka, driver, at bawat pamilyang Pilipino,\u201d&nbsp;pahayag niya.<\/p>\n\n\n\n<p>Tinuligsa rin ni Legarda ang argumento na mas epektibo ang targeted ayuda, dahil aniya mabagal ang proseso ng gobyerno at mas lalo pang lumalala ang problema kapag dumadaan sa maraming antas ng burukrasya.<\/p>\n\n\n\n<figure class=\"wp-block-image size-full\"><img loading=\"lazy\" decoding=\"async\" width=\"940\" height=\"788\" src=\"https:\/\/roadnews.net\/wp-content\/uploads\/2026\/04\/RoadNews-official-photo-format-2026-04-15T185824.833.png\" alt=\"\" class=\"wp-image-4502\" srcset=\"https:\/\/roadnews.net\/wp-content\/uploads\/2026\/04\/RoadNews-official-photo-format-2026-04-15T185824.833.png 940w, https:\/\/roadnews.net\/wp-content\/uploads\/2026\/04\/RoadNews-official-photo-format-2026-04-15T185824.833-300x251.png 300w, https:\/\/roadnews.net\/wp-content\/uploads\/2026\/04\/RoadNews-official-photo-format-2026-04-15T185824.833-768x644.png 768w\" sizes=\"auto, (max-width: 940px) 100vw, 940px\" \/><\/figure>\n\n\n\n<p>\u201cMabagal ang gobyerno. Nakita na natin, ilang linggo na, hindi pa rin nararamdaman ang tulong. Kapag ang buwis sa petrolyo, tulad ng VAT, ay dadaan pa sa gobyerno, babalik pa ito sa burukrasya, iikot pa sa kung ilang pirma, dadaan pa sa isang ahensya papunta sa isa pa, kulang-kulang din ang listahan ng bibigyan, at hindi naman tayo pinanganak kahapon para hindi malaman na may makikinabang pa na iba sa rollout niyan. Samantalang kung ibababa ang buwis, diretso itong mararamdaman,\u201d ani Legarda. \u201cHindi dapat ayuda lang. Para lamang ito sa pinakamahirap na kailangan itawid. Mawawalan din ito ng silbi kung hindi naman ito makararating sa mga kababayan natin sa oras na kinakailangan.\u201d<\/p>\n\n\n\n<p>Binigyang-diin din ni Legarda na ang pagbaba ng buwis sa petrolyo ay hindi lamang para sa may kaya, kundi direktang nakakaapekto sa mga sektor na pinakaapektado ng krisis.<\/p>\n\n\n\n<p>\u201cAng mangingisda, magsasaka, tsuper, lahat sila nakaasa sa presyo ng krudo para kumita. Kapag mataas ang presyo, sila ang unang tinatamaan, wala nang pumapalaot, at wala nang nagdadala ng ani sa palengke,\u201d aniya.<\/p>\n\n\n\n<p>Dagdag pa niya, hindi sapat ang mga modelo ng ekonomiya kung hindi ito tumutugon sa aktwal na kalagayan ng mga Pilipino. \u201cDarating ang punto na hindi na sapat ang diskusyon sa teorya. Kailangan nating tumugon sa aktwal na nararanasan ng mga Pilipino ngayon,\u201d dagdag niya.<\/p>\n\n\n\n<p>Binanggit din ni Legarda na ang agarang suspensyon ng buwis ay makapagpapagaan ng pasanin sa kabuhayan at makababawas ng gastos sa operasyon. \u201cHindi na mapipilitan ang mga magsasaka na magtapon ng gulay sa kalsada dahil lang sa sobrang mahal ng biyahe. Kapag gumalaw ang transport, gagalaw ang supply chain,\u201d aniya.<\/p>\n\n\n\n<p>Binigyang-diin din niya na ang pagdami ng supply ay makatutulong upang mapatatag ang presyo at maiwasan ang kakulangan. Kasabay nito, nagbabala siya na wala pang sapat na mekanismo ang pamahalaan upang matiyak na maayos at walang tagas ang alternatibong mga interbensyon.<\/p>\n\n\n\n<p>Ito ay matapos kilalanin ng Pangulo na kumikita ang pamahalaan ng dagdag na VAT mula sa mataas na presyo ng petrolyo, na aniya\u2019y gagamitin sa mga hakbang pangkrisis.<\/p>\n\n\n\n<p>\u201cKakagaling lang natin sa mga isyu sa flood control, pero wala pa ring malinaw na structural safeguards na inilatag ang pamahalaan para matiyak na walang korapsyon, tapos gusto pa nating patuloy na pagkakitaan pa ng gobyerno ang mataas na presyo ng petrolyo. Dapat ilabas din ng pamahalaan kung magkano nga ba ang kinikita nito sa mataas na buwis na sumasabay sa presyo ng petrolyo,\u201d ani Legarda.<\/p>\n\n\n\n<p>Ipinunto pa ng senadora na hindi kailangang mangutang ang pamahalaan para pondohan ang pansamantalang tax relief. Tinukoy niya ang mga probisyon sa kanyang panukalang Bayanihan 3 bill na nag-uutos sa mga ahensya na itigil ang mga hindi mahalagang gastusin at agad ideklara bilang savings ang mga pondong nakatali sa proyektong walang feasibility study, walang malinaw na plano, o lampas sa kakayahan ng ahensya.<\/p>\n\n\n\n<p>Ayon kay Legarda, maaaring agad makalikha ng fiscal space ang pamahalaan sa pamamagitan ng pagbawas o suspensyon ng mga hindi mahalagang biyahe, events, capacity-building activities, renovations, at iba pang non-emergency capital outlays; paglipat ng mas maraming transaksyon sa digital platforms upang makatipid sa supplies, fuel, at utilities; at pansamantalang freeze sa hiring at paglikha ng bagong opisina maliban sa mga kritikal na posisyon sa kalusugan at edukasyon, partikular na guro at health workers.<\/p>\n\n\n\n<p>Binalaan din ni Legarda ang kakulangan ng malinaw at konsistenteng datos mula sa economic managers, na kahit ilang linggo na ng diskusyon ay nananatiling hindi tiyak at salu-salungat ang mga numero. Aniya, sa halip na isang malinaw na fiscal position, nagdudulot ito ng kalituhan. Dagdag pa niya, nakakaapekto ito hindi lamang sa lokal na pagpapasya kundi nagpapadala rin ng maling signal sa labas na tila walang matibay na plano ang pamahalaan.<\/p>\n\n\n\n<p>\u201cAng mga kapitbahay natin tulad ng Vietnam, noong Marso pa lang nagsuspinde na ng buwis sa langis hanggang Hunyo. Samantalang tayo, hanggang ngayon hindi pa rin malinaw kung magkano talaga ang mababawas sa pondo ng gobyerno kapag sinuspinde ang mga buwis,\u201d ani Legarda.<\/p>\n\n\n\n<p>Binigyang-diin pa ng senadora na mismong pamahalaan ang nagsabi na may&nbsp;\u20b1238 bilyon na fiscal space para sa crisis response, kaya\u2019t lalo niyang tinanong kung bakit hindi magamit ang bahagi nito para sa pagpapatatag ng presyo ng petrolyo.<\/p>\n\n\n\n<p>Nanindigan si Legarda na may sapat pang puwang ang pamahalaan upang kumilos nang may tapang sa pamamagitan ng mas maayos na paggastos, ngunit binigyang-diin na hindi dapat gawing dahilan ang fiscal caution para sa kawalan ng aksyon habang pasan ng taumbayan ang bigat ng krisis.<\/p>\n","protected":false},"excerpt":{"rendered":"<p>Ni Ernie Reyes Nanawagan si Senadora Loren Legarda sa pamahalaan &nbsp;na agad suspindihin ang excise&#8230;<\/p>\n","protected":false},"author":1,"featured_media":0,"comment_status":"open","ping_status":"closed","sticky":false,"template":"","format":"standard","meta":{"footnotes":""},"categories":[14],"tags":[],"class_list":["post-4501","post","type-post","status-publish","format-standard","hentry","category-bansa"],"featured_image_urls":{"full":"","thumbnail":"","medium":"","medium_large":"","large":"","1536x1536":"","2048x2048":"","covernews-featured":"","covernews-medium":""},"author_info":{"display_name":"admin","author_link":"https:\/\/roadnews.net\/index.php\/author\/ldjtkwtu\/"},"category_info":"<a href=\"https:\/\/roadnews.net\/index.php\/category\/bansa\/\" rel=\"category tag\">BANSA<\/a>","tag_info":"BANSA","comment_count":"0","_links":{"self":[{"href":"https:\/\/roadnews.net\/index.php\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/4501","targetHints":{"allow":["GET"]}}],"collection":[{"href":"https:\/\/roadnews.net\/index.php\/wp-json\/wp\/v2\/posts"}],"about":[{"href":"https:\/\/roadnews.net\/index.php\/wp-json\/wp\/v2\/types\/post"}],"author":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/roadnews.net\/index.php\/wp-json\/wp\/v2\/users\/1"}],"replies":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/roadnews.net\/index.php\/wp-json\/wp\/v2\/comments?post=4501"}],"version-history":[{"count":1,"href":"https:\/\/roadnews.net\/index.php\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/4501\/revisions"}],"predecessor-version":[{"id":4503,"href":"https:\/\/roadnews.net\/index.php\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/4501\/revisions\/4503"}],"wp:attachment":[{"href":"https:\/\/roadnews.net\/index.php\/wp-json\/wp\/v2\/media?parent=4501"}],"wp:term":[{"taxonomy":"category","embeddable":true,"href":"https:\/\/roadnews.net\/index.php\/wp-json\/wp\/v2\/categories?post=4501"},{"taxonomy":"post_tag","embeddable":true,"href":"https:\/\/roadnews.net\/index.php\/wp-json\/wp\/v2\/tags?post=4501"}],"curies":[{"name":"wp","href":"https:\/\/api.w.org\/{rel}","templated":true}]}}