{"id":898,"date":"2025-02-13T09:38:03","date_gmt":"2025-02-13T01:38:03","guid":{"rendered":"https:\/\/roadnews.net\/?p=898"},"modified":"2025-02-13T09:38:04","modified_gmt":"2025-02-13T01:38:04","slug":"bagong-boses-ng-lumang-pulitika","status":"publish","type":"post","link":"https:\/\/roadnews.net\/index.php\/2025\/02\/13\/bagong-boses-ng-lumang-pulitika\/","title":{"rendered":"\u201cBAGONG BOSES\u201d NG LUMANG PULITIKA"},"content":{"rendered":"\n<p>\u201cBITBIT ng aking pagtakbo ang bagong boses sa gobyerno\u201d, sambit ng isang kandidatong nanggaling sa pamilyang matagal nang nakikipaglampungan sa pwesto. Makikita rin ang kaniyang mga naglalakihang tarpaulin kahit na hindi pa man nag-uumpisa ang pagpapasa ng certificate of candidacy. Isang malinaw na pang-aabuso sa pahayag ng Korte Suprema na hindi naman daw ito premature na pangangampanya. Bagong boses nga ba na para sa mga mamamayang Pilipino o bagong boses ng makalumang pulitikang matagal nang umiiral sa bansang Pilipinas? <\/p>\n\n\n\n<p>Villar, isa na namang Villar ang may maingay na pangalan sa paparating na Halalan 2025. Kilala siya sa islogan niyang \u201cBagong Boses\u201d, at bilang isang miyembro ng pamilya Villar \u2013 isang dinastiya hindi lang sa pulitika ngunit maging sa negosyo. Kung sino si Camille at ang kaniyang pamilya, ngayon natin pag-usapan. TRAPO o Traditional Politician, ganiyan ko marahil sila mailalarawan. Mapagpanggap at maingay na ipinagsisigawan ang kanilang mga nagawang batas na animo\u2019y hindi ito ang kanilang trabaho. Mga pulitikong gagawin ang lahat maging kapansin-pansin lamang sa oras ng halalan. <\/p>\n\n\n\n<p>Hindi ba\u2019t nakatatawang mabasa na ang bitbit raw niya ay isang bagong boses? Ngayong kilala siyang nanggaling sa isang pamilyang labis na mapang-abuso sa kapangyarihang ipinahiram ng soberanyang Pilipino. Sino bang makalilimot sa mga iksenang pinaaandar nila sa bawat magsasakang Pilipino upang mapilitan silang ibenta ang kanilang mga ari-arian para patayuan ng kanilang mga itinitindang bahay? Sino ba ang makalilimot sa kanilang pang-aabuso sa kapangyarihan noong ang isang pamilya sa Iloilo ang nawalan ng lupa nang dahil sa kanilang pagpapalawig ng imperyo? <\/p>\n\n\n\n<p>Paano naging \u201cbagong boses\u201d ang TRAPO na nangangako ng pagpapalawig ng trabaho sa oras na siya ay manalo, gayong habang siya\u2019y nakaupo, bilang mambabatas bilang representante ng Las Pinas, ay wala man lamang siyang inihaing batas upang paigtingin pa ang pagkakaroon ng oportunidad sa trabaho sa kaniyang lugar? <\/p>\n\n\n\n<p>Ma\u2019am Camille, ikaw po ay isang mambabatas, gumawa ka ng batas. Pilitin mong ilaban at ipasa, hindi mo pwedeng gamiting argumento na kayo\u2019y may negosyo at pwede kayong kumuha lamang ng mga empleyado bilang ambag sa pagsawata ng gobyerno sa malawakang kawalan ng trabaho sa bansa \u2013 dahil kung ayan lamang po ang iyong paniniwala, MARAPAT LAMANG NA MANATILI KA NA LANG BILANG ISANG KAPITALISTANG ANG TANGING HANGAD LAMANG AY ANG MAGPALAWIG NG IMPERYO\u2019T OLIGARKIYA. <\/p>\n\n\n\n<p>Paano naging \u201cbagong boses\u201d ang TRAPO na lumalagpas sa itinalagang gastos ng batas sa pangangampanya, gayong ito\u2019y matagal nang paandar ng lumang pulitika? Tandaan na kung sino ang siyang malaki gumastos sa halalan, ay gagawa ng paraan upang makabawi sa oras ng pagkapanalo. <\/p>\n\n\n\n<p>Paano naging \u201cbagong boses\u201d ang TRAPO na nangangakong paiigtingin ang karapatan ng bawat OFW, gayong wala man lamang siyang inakdang batas patungkol sa mga makabagong bayani? Nakaupo ka na, ma\u2019am, bakit hindi mo ginawa? Hindi kailangan ng Pilipino ang bawat pangakong \u201cgagawin mo\u201d, dahil kailangan naming malaman ang sagot kung bakit noong habang ikaw ay mambabatas sa House of Representatives ay hindi ka gumawa ng sarili mong hakbang upang mapatotoo ang mga ipinapangako mo sa mamamayang Pilipino ngayon. <\/p>\n\n\n\n<p>Hindi ikaw ang boses ng bagong gobyerno. Ang Villar ay BOSES NG LUMANG PULITIKA\u2019T KORAPSYON na matagal nang umiiral sa bansang lalo lang nasasadlak sa pagdurusa. Hindi \u201cbagong boses\u201d ang galling sa political dynasty! hindi \u201cbagong boses\u201d ang pulitikong nanggaling sa pamilya ng mga kapitalistang oligarka! hindi \u201cbagong boses sa gobyerno\u201d ang pangangako gayong may pagkakataon ka nang gawin ang bagay na ipinapangako noon pa man, at lalong hindi \u201cbagong boses\u201d ng mamamayang Pilipino ang mambabatas na nagsulong ng Maharlika Investment Fund! \u2013 hindi iyan pagiging bagong boses ng mamamayang Pilipino, kundi isang halimbawa ng TRAPOng nagpapahirap sa bawat Pilipino. <\/p>\n\n\n\n<p class=\"has-text-align-center\"><strong>BAGONG BOSES NGA BA? O ISA LAMANG ITONG PANIBAGONG MUKHA NG LUMANG PULITIKA NA PATULOY NA NAGPAPAHIRAP SA SAMBAYANANG PILIPINO?<\/strong><\/p>\n\n\n\n<p><\/p>\n","protected":false},"excerpt":{"rendered":"<p>&ldquo;BITBIT ng aking pagtakbo ang bagong boses sa gobyerno&rdquo;, sambit ng isang kandidatong nanggaling sa&#8230;<\/p>\n","protected":false},"author":1,"featured_media":899,"comment_status":"open","ping_status":"closed","sticky":false,"template":"","format":"standard","meta":{"footnotes":""},"categories":[14,17,1],"tags":[],"class_list":["post-898","post","type-post","status-publish","format-standard","has-post-thumbnail","hentry","category-bansa","category-opinyon","category-uncategorized"],"featured_image_urls":{"full":["https:\/\/roadnews.net\/wp-content\/uploads\/2025\/02\/alberto.jpg",2000,1106,false],"thumbnail":["https:\/\/roadnews.net\/wp-content\/uploads\/2025\/02\/alberto-150x150.jpg",150,150,true],"medium":["https:\/\/roadnews.net\/wp-content\/uploads\/2025\/02\/alberto-300x166.jpg",300,166,true],"medium_large":["https:\/\/roadnews.net\/wp-content\/uploads\/2025\/02\/alberto-768x425.jpg",640,354,true],"large":["https:\/\/roadnews.net\/wp-content\/uploads\/2025\/02\/alberto-1024x566.jpg",640,354,true],"1536x1536":["https:\/\/roadnews.net\/wp-content\/uploads\/2025\/02\/alberto-1536x849.jpg",1536,849,true],"2048x2048":["https:\/\/roadnews.net\/wp-content\/uploads\/2025\/02\/alberto.jpg",2000,1106,false],"covernews-featured":["https:\/\/roadnews.net\/wp-content\/uploads\/2025\/02\/alberto-1024x566.jpg",1024,566,true],"covernews-medium":["https:\/\/roadnews.net\/wp-content\/uploads\/2025\/02\/alberto-540x340.jpg",540,340,true]},"author_info":{"display_name":"admin","author_link":"https:\/\/roadnews.net\/index.php\/author\/ldjtkwtu\/"},"category_info":"<a href=\"https:\/\/roadnews.net\/index.php\/category\/bansa\/\" rel=\"category tag\">BANSA<\/a> <a href=\"https:\/\/roadnews.net\/index.php\/category\/opinyon\/\" rel=\"category tag\">OPINYON<\/a> <a href=\"https:\/\/roadnews.net\/index.php\/category\/uncategorized\/\" rel=\"category tag\">Uncategorized<\/a>","tag_info":"Uncategorized","comment_count":"0","_links":{"self":[{"href":"https:\/\/roadnews.net\/index.php\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/898","targetHints":{"allow":["GET"]}}],"collection":[{"href":"https:\/\/roadnews.net\/index.php\/wp-json\/wp\/v2\/posts"}],"about":[{"href":"https:\/\/roadnews.net\/index.php\/wp-json\/wp\/v2\/types\/post"}],"author":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/roadnews.net\/index.php\/wp-json\/wp\/v2\/users\/1"}],"replies":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/roadnews.net\/index.php\/wp-json\/wp\/v2\/comments?post=898"}],"version-history":[{"count":1,"href":"https:\/\/roadnews.net\/index.php\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/898\/revisions"}],"predecessor-version":[{"id":900,"href":"https:\/\/roadnews.net\/index.php\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/898\/revisions\/900"}],"wp:featuredmedia":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/roadnews.net\/index.php\/wp-json\/wp\/v2\/media\/899"}],"wp:attachment":[{"href":"https:\/\/roadnews.net\/index.php\/wp-json\/wp\/v2\/media?parent=898"}],"wp:term":[{"taxonomy":"category","embeddable":true,"href":"https:\/\/roadnews.net\/index.php\/wp-json\/wp\/v2\/categories?post=898"},{"taxonomy":"post_tag","embeddable":true,"href":"https:\/\/roadnews.net\/index.php\/wp-json\/wp\/v2\/tags?post=898"}],"curies":[{"name":"wp","href":"https:\/\/api.w.org\/{rel}","templated":true}]}}