KATUNAYAN ANG MULING PAGKAPANALO NI INCUMBENT MAYOR JULIER “AYOY” RESUELLO AY AYAW NG BUMALIK SA NAKARAAN NG MGA SAN CARLENIANS!

HINDI kaila na puspusan ang kampanyang ginawa ng Mga aspirants sa pagka-mayor dito sa syudad ng San Carlos City, katunggali ni incumbent Mayor AYOY RESUELLO ang kanyang kumpadre na si LESTER SORIANO dating Konsehal din dito San Carlos City, Pangasinan
BAGAMAN may mga patutsadahan sa panahon ng pangangampanya ay naging tahimik at maayos ang naging results ng Halalan nitong Lunes, May 12, 2025. Katunayan 5:00am ay nakabukas na ang Mga precsinto upang mabigyan ng prioridad ang Vulnerable sectors, tulad ng mga Senior Citizens at PWD o persons with disabilities.
SA higit 9,000 votes na lamang ni incumbent Mayor Resuello ay muling naluklok bilang Alkalde ng siyudad ng San Carlos City, Pangasinan si Mayor Resuello. Ganun din ang kanyang kapatid na si Vice Mayor na si Joseres “Bogs” Resuello na nasa 14,000 ang lamang sa katunggaling si Atty. Jonathan Lomboy.
Ayon sa mga taga San Carlos, ramdam nila ang malasakit, ligtas, maayos, at maunlad na serbisyo ni Mayor Resuello at patunay umano ito na ayaw nang bumalik pa sa nakaraan ang mga mamamayang ng siyudad ng San Carlos, dahil maunlad naman na ang kanilang syudad.
Samantala, nagpasalamat naman si Mayor Resuello sa lahat ng mamamayan ng San Carlos City. Aniya makakaaasa ang kanyang mga nasasakupan na ipagpapatuloy niya ang tapat na paglilingkod sa bayan, at sa pagpapaabot ng kinakailangang tulong. Sa muling pagkakataon naman ay nananalo rin ang mga Konsehal ni Mayor Resuello na kasama nitong inendorso ng IGLESIA NI CRISTO (INC).
Sa Basista, Pangasinan naman ay nanalo ang kapatid ni Mayor Ayoy Resuello na si incumbent JOLLY JR RESUELLO landslide ang kalaban nyang si Edgardo Palma. Ngunit kamakailan bago ang ay botohan ay nasunog ang kanilang Public Market. SA patuloy na pamamayagpag ng Mga Resuello sa pulitika ay hindi maipagkakaila na sila ay mahal ng kanilang mga nasasakupan.
Nag-uulat para sa ROADNEWS Edison Cancino

