Opisyal ng DPWH R6 kinasuhan ng Graft and Corruption

Nagsampa ng kasong graft and corruption ang Crimes and Corruption Watch International, Inc. (CCWI) laban sa mga opisyal ng DPWH Region 6 dahil sa umano’y nilokong bidding at pagbigay na contractor na nagkakahalaga ng mahigit PhP2.4 bilyon.

Ipinahayag ni Dr. Carlo Magno Batalla, Founding Chairman ng CCWI, na panahon na para sampahan ng kaso ang mga tiwaling opisyal ng gobyerno, lalo na ang mga opisyal ng DPWH. Noong 2024, ang DPWH Region 6 ay nagbigay ng mga proyekto na nagkakahalaga ng PhP9,258,597,000, kung saan ang IBC Builders ay tumatanggap ng mga proyektong nagkakahalaga ng PhP2.4 bilyon o higit pa.

Binigyang-diin ni Batalla na dapat sumunod ang mga contractor sa mga probisyon ng kontrata at may website ang DPWH kung saan naka-post ang status ng mga kasalukuyang proyekto.

Binanggit din niya na nagsampa na sila noon ng kasong plunder ngunit hindi nagtagumpay.

Sinisingil din ng CCWI ang BSP para sa pagpapahinto ng pag-imprenta ng National ID, na isang “blessing in disguise” para sa pagkaantala sa paghahatid ng 48 milyong National ID.

Nanalo ang CCWI sa kaso laban sa BSP at sa All Card, at kasalukuyang nakabinbin ngayon ang motion for reconsideration sa Quezon City Regional Trial Court.

Buboi Patriarca