TIWALA NG MGA PILIPINO SA GOV’T OFFICIALS UNTI-UNTING NAWAWALA

big j

ANG pinakamahirap sa lahat sa Pangulo ng bansa, ay kapag nawala ang tiwala ng sambayanan na kanyang pinamumunuan.

     Katulad kay President Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., nu’ng una, malaki ang tiwala sa kanya ng mga Pilipino na magiging maayos ang pamumuno niya sa bansa.

     Hindi pa man nangangalahati sa kanyang panunungkulan bilang Presidente ng Pilipinas si BBM, ay nag-iba na ang patakbo nito.

     Hindi rin nito natupad ang kanyang pinangakong P20 kada kilo ng bigas, imbes na matupad ito ay lalo pang tumaas ang presyo nito.

     Maging ang presyo ng iba pang pangunahing bilihin ay hindi rin nakontrol ni PBBM ang pagsirit ng pagtaas ng presyo.

     Maging ang kaliwa’t kanang korapsyon sa loob at labas ng pamahalaan ay hindi rin napigilan ni PBBM.

     Kaya hayun, ang daming kumalas sa kanya na mga opisyal na tumulong sa kanya nu’ng panahon ng nangangampanya pa sila noong May 2022 elections.

     Maging ang mga retiradong heneral sa Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines  (AFP) ay dismayado ngayon sa administrasyon dahil sa matinding korapsyon.

     Lumalabas tuloy ngayon na nagkatotoo ang sinasabi ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na mahinang klaseng presidente si PBBM. 

     Lalo pang bumagsak ang tiwala ng mga Pilipino sa BBM administration nang ipadala nila si dating Presidente Duterte sa International Criminal Court (ICC) sa The Hague, Netherlands.

     Ang paniniwala ng mga Pilipino na ang ginawa ng gobyerno na pagpapadala kay Duterte sa ibang bansa ay pagsuko ng soberanya ng bansa sa dayuhang korte.

     Naniniwala rin ang ilan na isang kidnapping ang ginawang pag-aresto sa pangunguna ni Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) chief MajGen. Nicolas Torre III.

     Lalo pang nagduda ang mga Pilipino nang magsalita si Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla na may “core group” na nasa likod ng pagka-aresto sa dating Pangulo.

     Kabilang pa man din sa “core group” ay dating malalapit kay FPRRD na sina dating DILG Sec. Eduardo Año at Sec. Gilbert Teodoro.

     Hindi inaasahan ng mga Pilipino na magagawa ng dalawa na ipaubaya si dating Presidente Duterte sa dayuhang korte.

     Dahil dito, kaliwa’t kanang protesta ang ginawa ng mga Pilipino sa labas at loob ng bansa.

     Lalo na nu’ng nakaraang Marso 28, 2025 sa kaarawan mismo ni Pangulong Duterte.

     Sa mga pangyayaring ito ay hindi na umaasa ang mga Pilipino na magiging maganda ang takbo ng pamumuno ni PBBM.

     Kung magkakaroon nga ngayon ng eleksyon at maglaban sina Inday Sara at Bongbong Marcos, malamang matalo si BBM.

     Maging sina Sen. Panfilo Lacson at ang ate ni PBBM na si Imee Marcos ay naniniwala na malala ang nagaganap na korapsyon ngayon.

     Kawawang mga Pilipino malulugmok lalo sa kahirapan. 

1 thought on “TIWALA NG MGA PILIPINO SA GOV’T OFFICIALS UNTI-UNTING NAWAWALA

  1. I think this is among the most important information for me. And i’m glad reading your article. But want to remark on some general things, The website style is perfect, the articles is really excellent : D. Good job, cheers

Comments are closed.