ANO BA ANG FAKE NEWS?

SA aking sariling pananaw, ang fake news ay ‘yung mga issue na hindi pumapabor sa taong sangkot dito, lalo na sa mga opisyales at pulitiko na napakataas ng tingin sa kanilang mga sarili. Sila nga ang batas, ika nga.
Ito yung mga tao na may mataas daw na respeto. Ito ‘yung mga tao na balat sibuyas. Sila ‘yung mga taong hindi tumatanggap ng kritisismo.
‘Kapag sinabi mong gago ka, freedom of speech mo ‘yun. Kapag sinabi kong isampal ko ‘to sa ‘yo, kasama ng freedom of speech mo ito. Pero ‘pag sinampal mo ‘yung tao, ‘yun na ang may kaso…’ et cetera… Napanood ko na sagutan sa isang congress hearing kamakailan lang.
Kung iyon ang issue, fake news ba ang tawag doon o pride ng mga taong may sinasabi sa lipunan, na hindi sila p’wedeng sabihan ng negative. Kung ganu’n,mula siguro sa aking payak na kaisipan, ang unsolicited na advise ko ay huwag na lang kayong tumakbo sa pulitika. Parang lumalabas na kayo lang palagi ang tama at hindi kayo p’wedeng punahin.
Minsan ko na nga naisulat sa aking pitak sa isang pahayagan, na kung ikaw mapapatawag sa congress dahil sa ikaw ay nagkakalat ng fake news, dalawa lang ang pwede mong gawin: Una, pumunta ka at saluhin lahat ng galit ng mga nagtatanong, bawal ka mangat’wiran, papagalitan ka na parang bata, at in aid of legislation daw kasi. Pangalawa, kung mangangat’wiran ka, dahil ipaglalaban mo ang alam mong tama, dahil may prinsipyo kang pinaninindigan, ‘ba! Maipapayo ko magdala ka na ng damit mo para tuloy ka na sa contempt.
Dahil nag-in aid of legislation kasi, dapat sila lang ang tama. Bawal ka mangat’wiran. Subukan mo lang mangat’wiran, sisigawan ka na parang bata! At kung mangangat’wiran ka pa, sige, kulong ka!
Kaya minsan naitatanong ko sa aking payak na kaisipan, para kanino ba ang salitang fake news? Bakit nga ba ‘di ko ito naitatanong? Subukan mong sabihin na napakagagaling nilang mambabatas, kahit hindi totoo. Subukan mo silang sabihan na maprinsipyo, kahit sa tingin ng karamihan ay hindi.
Ang akin pong ipinapahayag ay patungkol sa pangkalahatan. Kahit sino na sasabihan ko ng positive kahit fake news, ‘di sila magrereklamo. At hindi ka rin makatatanggap ng papuri galing sa kanila.
Kaya, para kanino ba talaga ang fake news o ano ba talaga ang fake news? Tanong na lagi kong hinahanapan ng kasagutan.
Palawakin natin ang argument. Kung ang tinatanong mo ay batas, marapat lamang na sana isang abogado ang nagtatanong tungkol dito. Kung tungkol naman sa gamot ang concern, sa doktor tayo sumangguni. Kung sira ang iyong sasakyan, dapat sa mekaniko ka magpatulong. At kung para sa ikabubuti ng kalagayan ng mga mamamayan, marapat lamang na ang mga taong magtatanong dito ay hindi bias.
Hindi ka naman maga-aral at sila ang iyong teacher. Hindi ka naman nila anak at sila ang iyong mga magulang.
Tayo ay nasa bansang may pantay-pantay na karapatan, demokrasya ika nga. At ang korte lang ang p’wedeng magsabi ng tama at mali. Pero nasaan pa ang demokrasya kung wala ka ng karapatang magsalita at mangat’wiran. Nasaan na demokrasya na kahit wala ka pa sa korte ay nakukulong ka na dahil sa mga fake news kuno, dahil hindi pabor sa mga umaastang taga-usig? At sasabihing goodnews kapag pumapanig sa kanila.
Masasabi ko lang, nasa bansa tayo ngayon na napapalibutan ng mga taong balat sibuyas. Sila lang ang tama, at ang nakakatakot dito, lagi ka na lang nangamngamba na baka makapag-post ka sa social media or makapagsabi ka ng hindi pabor sa mga nasa kapangyarihan. At bigla kang ipatawag sa kongreso in aid of legislation…at ang freedom of speech na iyong tinatamasa, sa isang iglap na-contempt ka na.
Mag-ingat tayo dahil sa aking sariling opinyon, batas na lang na papabor sa nakaupo ang tila umiiral. Hindi ka p’wedeng mangat’wiran, at ang batas ng mga nasa poder ng kapangyarihan ang laging mananaig.
Huwag kang magtangkang mangat’wiran! Huwag kang magpahayag ng iyong nararamdam at saloobin. Dahil ikaw at ikaw lang din ang talunan, sa harap ng mga taong sobrang nakapangunyapit sa ipinahiram ng mamamayan na kapangyarihan.

Hey! I just wanted to ask if you ever have any issues with hackers? My last blog (wordpress) was hacked and I ended up losing a few months of hard work due to no backup. Do you have any methods to stop hackers?