Block III Hilltop ng Baguio City Public Market, Nilinis
NAGSAGAWA ng inspection at clearing operation ang mga awtoridad ng Lungsod ng Baguio laban sa mga iligal na istruktura sa Meat and Fish Section ng Block III ng City Public Market noong Abril 4, 2025, bunsod ng hindi maayos na mga kondisyon at malawakang paglabag sa sanitation regulation ng lungsod.
Isang Composite Team ang nangasiwa sa operasyon na binubuo ng mga kinatawan mula sa City Health Office – Sanitation Section (CHSO-SD), City Treasury Office – Market Division (CTO-MD), mga tauhan mula sa Station 7 (COMPAC 1), at ang POSD Tangerine Team, kasama ang POSD Deputy Chief na si Allan Faustino, na ang layunin ay isaayos ang sanitasyon at kaligtasan ng mamamayan.
Maraming natanggap na reklamo ang City Health Office mula sa mga konsiyumer particular rungkol sa kalinisan at kaligtasan ng pagkain at sa kabila na nag-isyu ng citation ticket sa mga vendors gaya ng illegal na partisyon, hindi nagagamit na kagamitan at hindi awtorisadong paghahanda ng pagkain, na pawang paglabag sa BCMA Resolution No. 008-2019.
Hindi nakaimik si Sanitary Inspector Regina Lapitan, matapos masaksihan ang kondisyon ng pamilihan nang tumambad sa kanilang mukha ang maraming mga daga at ipis, madulas na daanan, at walang takip na mga pagkain. Kasama sa iba pang mga paglabag ang mga vendors na kulang sa health certificate, hindi maayos na pananamit, paghahanda ng pagkain sa sidewalk, at mahinang ilaw na nagpapalala sa hindi magandang tanawin at maruming kalagayan ng palengke.
Sa pag-iinspeksyon, nadiskubre rin ang mga pansamantalang tulugan sa mga bubong, lugar ng inuman at paninigarilyo, mga stall na puno ng basura, maruming kapaligiran, kontaminasyon ng tubig ng niyog, at mahinang bentilasyon na nagdudulot ng mabahong amoy.
Ang pag-alis ng mga pansamantalang istruktura (fire hazards) ay nagbigay ng liwanag at maayos na daloy ng hangin sa lugar dahilan upang mabawasan ang mabahong amoy. Tatlong iligal na stall ang na-padlock at nabigyang abiso para sa self-demolition.
Inirerekomenda ng Composite Team ang pagpo-pondo upang masakop ang open space, pagkansela at ang muling pag-apply ng mga permit sa pagtitinda ng pagkain sa ilalim ng mas mahigpit na mga regulasyon, at paglipat ng mga apektadong vendor sa itinalagang Street Food Section. Ang mga rekomendasyong ito ay naghihintay sa pagsusuri ng pamahalaang lungsod.
(Villy Vallejo)

I simply couldn’t go away your web site prior to suggesting that I extremely enjoyed the standard information a person supply for your visitors? Is gonna be back incessantly to check up on new posts