ANO ANG NAGHIHINTAY PAGKATAPOS NG MAY 12 ELECTIONS?

HALOS o higit dalawang linggo na lamang ay muli tayong boboto sa para sa midterm elections sa Mayo 12, 2025. Magmula sa mga tumatakbong labingdalawang senador (12) hanggang sa mga gobernador, mayor, ay kitang-kita natin ang puspusang pangangampanya ng mga kandidato. Pangako roon, pangako rito, kulang nalang ipangako ang buwan at bituin. Ngunit saan nga ba ito hahantong pagkatapos ng election sa Mayo?
Sa mga plataporma ng individual na mga kandidato, animo’y totoong-totoo ang mga salitang kanilang binibitawan para kumbinsihin ang mamamayan. Nariyan ang pangako ng kaunlaran ng bawat mamamayan. Marami raw sila umanong malalapitan na palagi na nating nariririg sa mga talumpati ng mga kumakandidato,
Ngunit alam natin na marami sa mga kandidato ay inutang lang ang kanilang mga ginagastos para sa kanilang pangangampanya. Ang Iba pa nga ay nagsanla pa ng kanilang mga ari-arian para lang may magastos sa pangangapanya.
Ngayon mga ka-ROADNEWS… Ano sa palagay niyo pagkatapos nitong halalan?
Pulsohan natin kung ang MASA na tuwina ay naghihintay at umaasang makatatamasa sila ng pag-unlad ng buhay mula sa mga pangako ng mga kandidatong pawang pangakong wala namang kongkretong batayan sa ating mahihirap na mamamayan.
At maaasahan ba nating uunahin ng mga kandidatong ito ang kapakanan ng kanyang nasasakupan sakaling siya’y maupo na sa puwesto? O uunahin niya munang atupagin kung pa’ano niya mababawi ang kanyang mga ginastos nu’ng siya’y nangangamapanya? Lalo na’t ang ilan sa kanila ay nangutang o nagbenta ng ari-arian para lamang mairaos ang kanyang kandidatura.
Sa ngayon, dahil sa mga pansamantalang AYUDA na binibigay sa mga botante gaya ng bigas, mga de-lata at kung anu-ano pang pantawid-gutom, meron pa ba tayong inaasahang “AYUDA” pagkatapos ng May 12 elections?

Thank you for another informative web site. Where else could I get that type of info written in such a perfect way? I have a project that I’m just now working on, and I’ve been on the look out for such information.