Abusadong Kandidato: Anay sa Pamunuan ni Joy Belmonte

alberto

SA bawat mabuting pamunuan ay mayroon talagang tao na mistulang anay na mang-aabuso sa kapangyarihan at lalabag sa mga ipinatutupad na batas.

Katulad na lamang ng isang kandidato bilang isang Representative sa Quezon City.

Nag-motorcade na nga na walang helmet ang mga sumamang naka-motorsiklo, ay binabastos pa ang mga motoristang kanilang nadaraanan.

   Makikita sa mga larawan na hindi nakasuot ng helmet ang mga motorista, na siya namang pinayagan at kinunsinti nitong kandidatong ito. Ito’y isang malinaw na paglabag sa Republic Act 10054 at sa Implementing Rules and Regulations na inilabas ng Land Transportation Office. Sa ilalim ng batas ay ipinag-uutos na dapat magsuot ng helmet ang bawat motorista, ano man ang dahilan ng kanilang pagbibiyahe at gaano man kalayo ang kanilang pupuntahan. Walang kahit na anong probisyon sa batas na hindi sakop ang mga kandidato sa kanilang motorcades tuwing eleksyon. Isang malinaw na paglabag at hindi pagkilala sa batas–pag-abuso sa kapangyarihan.

   Idagdag pa rito ang pambabastos umano sa ilang motorista ng mga sumama sa nasabing motorcades. Ayon sa report ng ilang concerned citizens, ang ilan sa mga motorcycle riders na kasama ni Rillo sa kaniyang parada nitong nakaraang linggo, ika-anim ng Abril, ay minumura at sinisenyasan ng “Dirty Finger” ang mga motoristang bumusina dahil biglaan nila itong hinarangan sa intersection sa kanto ng Panay Avenue. Isa ring harapang pagkunsinti ng mapang-abusong kandidato sa kaniyang mga taga-suporta.

   Paanong mapupunta sa mabuting lugar ang isang komunidad na kung saan ang mga taong gumagawa mismo ng batas ay silang hindi sumusunod dito? Paano kaya makatatanggap ng inklusibong paglilingkod ang mga mamamayan ng Quezon City kung gayong ang nagnanais na maglingkod ay kinukunsinti ang kaniyang mga taga-suporta? Baka kaya siguro hindi pa rin mawalis ni Mayor Joy ang katiwalian sa Lungsod ng Quezon ay dahil sa malakas ang loob ng kaniyang kaalyadong lumabag sa mandato ng pamahalaan?

   Sagot at paliwanag naman, sir. Sana’y huwag kang magalit.

2 thoughts on “Abusadong Kandidato: Anay sa Pamunuan ni Joy Belmonte

Comments are closed.