Inagurasyon ng 2.5M Level III Potable Water Supply System sa Tabuk City

OPISYAL l nang inilipat ng DILG (Department of Interior and Local Government) at CLGU Tabuk City sa Barangay Dupag ang pamamahala sa Level III Potable Water Supply System na nagkakahalaga ng 2.5Milyong Piso na pinondohan sa ilalim ng Support to Barangay Developmet Program (SBDP) 2024.

     Ang proyektong ito ay naglalayong mabigyan ng  malinis at magagamit na tubig sa bawat kabahayan lalo na sa liblib na Sitio Bullagian, upang mapabuti ang kalusugan at kalidad ng pamumuhay ng mga residente roon.

    Ang kaganapang ito ay pinarangalan ng mga lokal opisyales sa pangunguna ni Mayor Darwin C. Estrañero, Vice Mayor Dick Bal-o, City Engineer Francisco Uboan, City Information Officer Aurora B. Amilig, Punong Barangay Marco Pagtud, kasama sina Konsehal Bagayao, Duguiang, at Sumaal. Naroon din sina 54thIB Commander Lt.Col. Delfin Rean B. Ante at Tabuk City Chief PNP PLtCol Benson B. Macli-ing.

   Sa mensahe DILG Provincial Director Anthony Manolo I. Ballug, na inirepresenta ni LGOO V Faith L. de Jesus, ay ipinahayag niya ang kahalagaan ng proyekto. Binigyang diin ni PD Ballug ang sistema ng tubig bilang simbulo ng kapayapaan, pagtutulungan, at pag-unlad na nakamit sa pamamagitan ng sama-samang pagsisikap ng mga lokal na opisyal, security forces, national agencies, at ng kumunidad. Binigyang diin din nya na ang proyekto ay produkto ng Whole-of-Nation Approach sa ilalim ng EO 70, na naglalayong wakasan ang lokal na insurgency sa pamamagitan ng inclusive development.

     Binigyang-diin din ng mensahe ang mga benepisyo ng sistema, tulad ng pinahusay na kalinisan, pag-acces sa malinis na tubig, at suporta sa pagunlad ng ekonomiya. Pinaalalahanan din niya ng mga residente na sa ikapananatili ng proyekto ay nakasalalay sa responsibilidad ng bawat isa, kaya hinihikayat niya ang lahat na makibahagi sa pangangalaga nito at pagpaplano sa hinaharap.

     Nagpahayag din ng pasasalamat si Mayor Entrañero, sa kanyang talumpati ay ang isang sistema ng maiinom na tubig ay mahalaga. Ito ay may malaking kahalagaan para sa mga magsasaka, komunidad, at sa ating lahat… Ang tubig na ito ay kabilang sa komunidad kaya inaasahan niya na lahat ay magkakaroon ng responsibilidad sa pagpapanatili nito.

     Sinabi naman ni COLPC Ante na mapalad kayo rito dahil mayroon kayong tapos at operasyonal na proyekto. Nagpapakita ito ng maraming pagkakataon para maibigay ng gobyerno ang kanilang pagsuporta.

     Idiniin naman ni CLGOO Hellen Lacuesta ang pangangailangan ng pagtatatag ng BAWASA o Barangay Water and Sanitation Association upang matiyak ang pang matagalang pangangalaga sa nasabing proyekto.

     Nagpasalamat naman si Punong Barangay Marco Pagtud at nangakong gagawin ang lahat ng paraan at pangungunahan ang pagpapanatili sa operasyon ng nasabing proyekto.

     Ang proyektong ito ay isang patunay kung paano ang pagkakaisa at ibinahaging pangako ng pamahalan at buong komunidad ay maaaring magdulot ng makabuluhang pag-unlad, lalo na sa malalayong barangay tulad ng Dupag.

(Faustino Dar)

1 thought on “Inagurasyon ng 2.5M Level III Potable Water Supply System sa Tabuk City

Comments are closed.