Si Martin Nievera ang tunay na  “Revival King”! DAHIL SA KONTROBERSIYA, GOODBYE, REVIVAL KING KUNO!?

art t

NAKAKALOKA! Ito ang nagkaka-isang reaksiyon ng madlang pipol sa mga kaganapan na tila dumadapurak sa tinaguraing ‘Revival King’ kuno, na si Jojo Mendrez, na matapos maging maingay ang umano’y espesyal nilang ugnayan ng Kapuso hunk actor na si Mark Herras, nang bigla namang pumasok sa eksena ang isa pang Starstruck alumni na si Ranier Castillo, na sinasabi ring malapit sa nasabing mang-aawit, biglang nag-iba ang landscape ng naratibo.  

Anong ibig ipahiwatig ng mga senaryong ito, na merong inaalagaang mga has been Kapuso male talent ang mang-aawit, na hindi tuloy maiwasang bigyang kulay at tuloy namulaklak ng intriga at mga haka-haka na merong lambong ng malisya at pagdududa.

Heto pa ang talagang shocking! As in shocked talaga ang mga otaw nang biglang bumulaga sa social media ang umano’y pagpapa-blotter ni Jojo Mendrez sa PNP Precinct 10 sa Kamuning, laban kay Mark Herras, kamakailan, sa umano’y pagbabanta nito na susunugin ang kanyang (Mendrez) bahay.

Iba na naman ang nabuong senaryo sa kampo ng mang-aawit na ewan kung ano ang direksyong tinatahak ng kanyang pagiging ‘Revival King’, na hindi natin mawari kung sino ba ang nagputong ng titulo sa kanya bilang revival king kuno. O, baka naman gawa-gawa lang ng kanyang mga paid hacks para magkaroon siya ng titulo at maging sentro ng usapan para laging babanggitin sa kanilang mga pralala (write-ups).

Balik tayo sa reklamong grave threat laban kay Mark Herras, na nagbigay ng kanyang reaksyon sa nasabing pa-blotter ng mang-aawit, na hanggang ngayon ay hindi pa natin nau-ulinigan ang tinig sa ni-revived nitong “Somewhere in My Past” ni Julie Vega.

“’Di ko ugaling manakot ng tao kahit gawan ng issue or what. ‘Di ko ugali yan…Sorry, I’m the wrong guy para isama niyo o gawan ng issue kasi, ‘di ko kayo papatulan,” pahayag ng tinaguriang Bad Boy of the Dance Floor.

Ano naman kaya ang reaction ng Star Music na siyang humahawak sa singing career ni Mendrez? Matutuwa ba sila sa pagiging kontrobersiyal ng kanilang contract singer? Gugustuhin ba nilang maging laman ng mga kontrobersiya o iskandalo ang isa nilang talent? Makakadagdag ba sa marketability ng isang talent ang ganitong klase ng mga publisidad na lumalabas sa social media at sa mga pitak ng mga showbiz writers sa kani-kanilang outlet? Ano ang pipiliin nila, ang kalidad ng kanilang artist bilang mang-aawit o ang mga kontrobersiyang kinasasangkutan nito?

Hindi sa judgmental tayo. Hindi natin tinutuldukan ang career ng isang Jojo Mendrez, dahil hindi pa naman natin naririnig ang kanyang mga awitin. At hindi rin tayo maghuhusga kung saan ba pupulutin ang isang ito na gustong gumuhit ng pangalan sa larangan ng musika.

Sa totoo lang, nu’ng una kong marinig ang salitang “Revival King” at ang awiting ni-revive ni Mendrez, ay nagdalawang-isip na tayo.

 Naniniwala kasi tayo na kailanman, hindi pwedeng mapalitan ang pangalan ni Martin Nievera bilang tunay na “Revival King”, dahil sa pagpa-imbulog ng awiting “Kahit Isang Saglit”, na siya ang nag-revive, na ngayo’y isa nang klasikong OPM. Ang awiting “Kahit Isang Saglit” ay unang ni-revive ni Nievera na  unang isina-plaka ni Verni Varga, The Vamp, ilang taon na ang nakalilipas.

Kaya tayo’y takang-taka kung bakit babansagang “Revival King” si Mendrez samantalang nariyan pa ang Martin Nievera na may hawak sa nasabing titulo.

Well, kung anu’t ano man ang kahinatnat sa mga intrigang pinapasukan nitong Jojo Mendrez, sana naman hindi madamay ang pamilya ni Mark Herras at ang career (kung meron pa) naman ng isa pang Starstruck alumni na si Ranier Castillo.

Ano’ng masasabi mo Tomashiwa Dumapit aka Tom Adrales?

1 thought on “Si Martin Nievera ang tunay na  “Revival King”! DAHIL SA KONTROBERSIYA, GOODBYE, REVIVAL KING KUNO!?

  1. Hello! I simply wish to give an enormous thumbs up for the nice data you’ve right here on this post. I will be coming back to your weblog for more soon.

Comments are closed.