KAY MARCOLETA MAY PAG-ASA KA!
SI Rodante “Dante” Marcoleta ay anak ng magsasaka. Ipinanganak siya sa isang maliit na barangay sa Paniqui, Tarlac. Pangalawa sa siyam na magkakapatid, siya ay nagmula sa ordinaryong pamilya at namulat sa payak na pamumuhay.
Sa kabila nito, hindi naging hadlang ang kahirapan upang siya ay magsumikap sa kanyang pag-aaral. Likas na matalino at masigasig, siya ay tuluy-tuloy na nanguna sa klase, tumanggap ng iba’t-ibang mga parangal, at namuno sa student government mula elementarya hanggang sa makapagtapos siya ng abogasya. Ang kanyang mga kasanayan sa pamumuno ay nahubog mula noong kanyang kabataan.
Siya ay kasalukuyang representante ng Social Amelioration and Genuine Intervention on Poverty o SAGIP Party-List, na kumakatawan sa sektor ng maralitang tagalungsod sa Kongreso, at ngayon ay tumatakbo bilang Senador, bunsod ng mga problemang-panlipunan na nais niyang pagtuunan ng pansin sa Senado.
Bago siya nahalal bilang isang mambabatas, siya ay dalawampung-taong naging abogado. Isa siyang mahusay na trial lawyer na nagtanggol sa mga karapatan ng mga mahihirap at walang kakayahang lumaban. Nagbigay siya ng libreng serbisyong-legal sa mga kliyenteng kapus-palad, sapagkat minsan na rin niyang naranasan ang kahalintulad na pagsubok.
Nagkaroon din siya ng produktibong karera sa pribadong sektor sa loob ng dalawampu’t pitong taon. Marahil ang malawak na karanasan niyang ito ang humulma sa kanyang hangaring magsilbi sa bayan at naghanda sa kanya para sa mas matataas pang tungkulin sa ating lipunan.
Nitong 19th Congress, minabuti niyang ipaglaban ang pagpapababa ng singil sa kuryente sa bansa kaya’t isinulong niya ang kanyang mga “power bills”.
Maliban sa kanyang matagumpay na karera sa abogasya at sa pribadong sektor, siya ay isang fellow sa Harvard Kennedy School on Developmental Leadership at nagtapos ng kanyang Doctorate degree (PhD) sa Public Administration and Governance mula sa University of the Philippines, Diliman – National College of Public Administration and Governance (UP-NCPAG).
Ang kanyang kaalaman at pangkalahatang karanasan bilang mahusay at epektibong lider ang siyang kailangan ng ating bansa.
Kay Marcoleta, may pag-asa ka!
(Darwell Baldos)

Hi there! I just wanted to ask if you ever have any trouble with hackers? My last blog (wordpress) was hacked and I ended up losing a few months of hard work due to no back up. Do you have any methods to protect against hackers?