Kung si Kim Chiu, may Paulo Avelino; si Yassi Pressman, may James Reid… Bakit wala si Jericho Rosales sa tabi ni Janine Gutierrez sa 2025 ABS-CBN Ball?

MANINGNING, maringal at marangal ang pagdiriwang ng 2025 ABS-CBN Ball na ginanap kamakailan sa Solaire Resort North sa Quezon City.
Napakamabituin dahil parang bumaba mula sa langit ang lahat ng mga estrelya kaya sama-sama silang nagbigay kislap sa buong daigdig ng aliw.
Ang isa sa nakakaantig na bahagi ng piging na ito ay ang pagsasalo ng mga pangunahing tagapangasiwa sa lahat ng mga artista at mga mapanlikhang persona ng telebisyon.
Nandoon at siyempre’y sila ang may paandar ng okasyong ito–si Carlo Katigbak, ang Presidente ng ABS-CBN, si Cory Valenzuela-Vidanes, ang Chief Operating Officer (COO) ng kumpanya at si Martin Lopez, ang Tagapangulo ng ABS-CBN Broadcasting Corporation at ang mga katuwang nilang mga ehekutibo ng GMA Network sa pangunguna ni Atty. Annette Gozon Valdes, kasama ang Sparkle Senior Talent Manager na si Tracy Garcia at GMA Artist Center First Vice President Joy Marcelo.
Hindi nga ba’t may kolaborasyon na ang ABS-CBN at ang GMA Network ngayong mga panahong ito?
Kaya ang mga bituin tulad nina Ashley Ortega, Mavy Legaspi at kahit pa ang 2023 Miss Universe Philippines na si Michelle Marquez Dee at si Heart Evangelista na mga kilalang taga-Kapuso Network ay nakilangkap din sa selebrasyon.
Magandang palatandaan ng pagkakaisa kahit paimbabaw lamang sa isang larangan na matindi ang kompetisyon, para sa kung sino ang magdidikta, magkokontrol o maghahari sa dominasyon.
Bagamat may pagbabalanse dahil ang hinahanap din ay sina Bea Alonzo, Marian Rivera, Dingdong Dantes, Andrea Torres at iba pang may tatak-GMA-7.
Gayunman, nakipagpingkian din sa kanyang sarili ang ABS-CBN sa pangingibabaw lalo’t higit ay ang pagdalo ng mga Kapamllya Network dahil ito ay pangunahing gawain at inaasahan.
Pero marami ring eksena sa likod ng kamera na nagmumura ang konteksto, substeksto at kahulugan para lalo pang mapansin at manguna ang Kapamilya.
Isa na rito ang mag-isang partisipasyon ni Janine Gutierrez.
Alam ng lahat na sila ni Jericho Rosales ay magsyota kaya ang inaasahan ng madlang pipol ay magkakasama at magkakatabi kundi man magkaabrisiyete sina Janine at Jericho sa makasaysayang red carpet at entablado ng okasyong ito dahil lehitimo pa naman silang Kapamilya.
Sa magkakasintahan, nandoon sina James Reid at Yassi Pressman, Gerald Anderson at Julia Barretto, Coco Martin at Julia Montes (hindi pa naman nila inaamin na sila’y kasal na o kahit tahasang pag-amin na magkatipan na sila kundi lagi lang silang hayagan nang magkasama hindi tulad noon na itinatago pa nila ang kanilang relasyon na kahit umano’y mga anak na sila), Juan Karlos Labajo at Dia Mate at iba pa.
Meron din namang magkakapareha na hindi naman umaamin na mag-girlfriend at mag-boyfriend na sila tulad nina Kim Chiu at Paulo Avelino (pero matamis sila sa isa’t isa at para silang hindi mapupuknat na magkakaob na bunga).
May mag-asawahan din tulad nina Carlo Aquino at Charlie Dizon, Daniel Miranda at Sofia Andres, Ben Wintle at Iza Calzado o kahit sina Sharon Cuneta at Francis Pangilinan, Heart Evangelista at Chiz Escudero.
Pero nakakaintriga ang pagsosolo ni Janine.
Nasaan si Echo?
Ngayon pa namang napakakulay ng pagtitipong ito at bagay na bagay sa magsing-irog na tulad nila.
Bagay na bagay pa naman sila.
Hinanap ng mga tao si Rosales pero wala silang nakita kahit anino nito.
Gayunman, may nagsasabi na hindi makaalis si Jericho sa kanyang shoots ng pelikulang “Quezon.”
Excited na excited ang aktor sa pagganap niya bilang Manuel Luis Quezon sa puting tabing.
Sana’y naglaan man lang siya kahit konting sandali sa ikasisiya ng pinaglilingkuran nilang bakuran ng telebisyon at pelikula.

Thank you for the sensible critique. Me and my neighbor were just preparing to do some research on this. We got a grab a book from our area library but I think I learned more clear from this post. I am very glad to see such magnificent info being shared freely out there.