Bakit suki ni Rio Locsin ang fashion designer na si Albert Figueras?
MULA nang pagmasdang mabuti, pag-isipan at namnamin kung anong bagay sa kanya, sukatan at damitan ng pamosong fashion designer na si Albert Figueras ang aktres na si Rio Locsin, naengganyo na ang bawat isa sa kanila hindi lang bilang manlilikha sa kanyang modelo o vice-versa, parang may nabuo nang kasunduan ang dalawa sa paglikha ng sining ng pananamit.
Sa GMA Network grand ball lang noong isang taon nagsimulang magtambal sa moda ng pananamit sina Rio at Albert.
Ipaparada noon sa grand ball ang buong cast ng “Black Rider” ni Ruru Madrid kung saan gumaganap sa isang mahalagang papel ang bituin.
Kailangang magpagawa siya ng gown upang irampa sa GMA ball at ano pa’t ang naitalaga sa kanyang fashion designer ay walang iba kundi si Albert nga. Nang matapos ang damit na tinahi ni Figueras, nabonggahan si Locsin.
Bagay na bagay sa aktres ang itim na gown kaya nito namang nakaraang 2025 ABS-CBN Ball, si Albert pa rin ang katambal ni Rio sa sining ng pagdadamit para sa spring motif ng okasyon.
Gandang-ganda na naman si Ojie (palayaw ni Rio) dinisenyo at nilikhang kasuotan ng faahion czar sa kanya.
Naibahan si Locsin sa estilo ng paglikha ni Figueras ng kasuotan.
(Boy Villasanta)

This site is mostly a walk-by for all the info you needed about this and didn’t know who to ask. Glimpse right here, and also you’ll positively uncover it.