GLOWING NA, BLOOMING PA! SI DIREK DANTE MENDOZA

GAYA nu’ng 2024, nakisaya rin tayo sa ika-65th tag-araw ng Cannes Palm d’Ore 2009 Best Director Brillante Ma. Mendoza, nitong Hulyo 30, 2025, na ginanap kanyang Centerstage Productions and event place, sa Lungsod ng Mandaluyong.

Lampas alad-9 ng gabi nang dumating tayo sa lugar na dating warehouse/junk shop, na ngayo’y isa nang state-of-the-art event place.

Bumungad sa dulo ng red carpet ang buffet table at ang anim na round table para sa mga bisita na merong walong silya.

Nasa MRT palang tayo, nag-PM na tayo kay katotong Gerry Olea kung nasa lugar na siya ng piging, na nag-reply si GDO nasa jeepney na tayo biyaheng Kalentong.

Salamat at hindi sumabay ang buhos ng habagat kaya matiwasay nating binagtas ang lugar at agad tayong inanyayahan ni katotong Julie Gaspar Bonifacio na umupo sa kanilang mesa kasama si katotong Archie Liao.

“Sinong kasama mo,? untag ni Julie. Sagot ko, ako lang at susunod daw si katotong Boy Villasanta.

“Kumain ka na,” follow-up ni JGB, na agad akong tumalima at nakasabay ko a si Marinel S. Cruz ng PDI, na sa tuwing makikita ko ay lagi kong nakikita ang aktres na si Angel Locsin sa kanyang mukha.

Sa pitong putaheng nakahilera, fish fillet, glazed chicken at maraming chopsuey ang ating pinili plus ang panghimagas na buko pandan.

As usual, naroon ang paboritong live band ni Direk Brillante. Bago ako kumain, binati ko muna ang aktor na si Ihman Esturco at binulong kong susunod si Boy Villasanta. Ipinakilala ni Ihman si Dante Balboa, na merong dinireheng stageplay titled “Walong Libong Piso”.

Habang pabalik ako sa ating upuan namataan ko ang celebrator na merong hawak na kopita na lamang red wine. “Happy birthday, direk Dante. You look great!!”, matimyas na ngiti ang sukli ng multi-awarded and world reknowned director.

Sa pag-ikot ng aking mata sa mga mesa, naroon sina Ronnie Lazaro, Rene Durian, Ronald Carballo, Vince Rillon, Lawrence Fajardo and wife Krishna, at iba pang bisitang naging bahagi ng mga acting workshop at pelikula ni Dante, na bagong naging pamosong direktor nagsimulang de-kalibreng production designer sa maraming pelikula.

Hanggang sumabak siya sa pagiging PD and eventually sa pagdi-direk ng mga advertisements sa teevee at billboards.

The rest is history na, ika nga.

At bago kami nagpaalam, binalikan natin ang masarap na buko pandan.

Actually, nakilala ko si Direk Dante 1985 pa, sa bahay ng mga De Leon sa K-5, Kamuning, kapag nagtatagpo kami sa aking pagbisita sa mga katotong sina Jigz Recto, Tom Adrales, Baby Baluyot, at George Vail Kabristante (rip), nu’ng siya ay production designer pa.

Muli…marami pang masaya at maalwang kaarawan ang sumaiyo Direk Dante.

(Art Tapalla nag-uulat para sa RoadNews)