JOB FAIR DINAGSA SA KAPITOLYO NG ISABELA, DAAN-DAANG JOBSEEKERS DUMALO

Weng Torres, nag-uulat para sa RoadNews

Ilagan, Isabela | Tinaguriang isang malaking tagumpay ang naganap na Province-Wide Job Fair sa Kapitolyo ng Isabela nitong unang araw ng Agosto 2025, kung saan daan-daang aplikante mula sa iba’t ibang bayan ng lalawigan ang nagtungo upang makipagkita sa halos 56 na employers para sa job interview.

Ang event ay inaasahang nagtala ng mahigit 1,000 aplikante, kung saan marami ang sumailalim sa on-the-spot hiring at nakapirma na ng job contract sa mismong araw. Kabilang sa mga nag-alok ng trabaho ay mga lokal at international employer mula sa iba’t ibang sektor gaya ng manufacturing, healthcare, BPO, at agrikultura.

Bukod sa job matching, nagbigay rin ng libreng serbisyo ang mga katuwang na ahensya gaya ng DOLE, TESDA, at PhilHealth para sa mga jobseekers. Dagdag pa ni Reyes, patuloy ang pakikipag-ugnayan ng PESO sa mga employer at iba pang ahensya upang masigurong marami pang oportunidad ang maibibigay sa mga Isabelino.

Ang nasabing job fair ay bahagi ng programa ng provincial government sa pangunguna ni Governor Rodolfo Albano III bilang tugon sa hamon ng unemployment at pagsigla sa lokal na ekonomiya.

Nagsimula ang Event na ito kaninang 8:00 ng umaga at magpapatuloy ito hanggang mamayang 3:00 ng hapon, at para sa mga hindi nakadalo, maaari pa ring magpasa ng aplikasyon sa tanggapan ng PESO Isabela o bisitahin ang kanilang opisyal na Facebook page para sa mga susunod na job fair at training opportunities.