Hindi Pwede ang Pwede Na! Safety First!


SA pagiikot ng KSPHO, marami tayong nakikitang gawain ng ating mga mangagawa o empleyado, na malayo sa pamantayan ng Occupational Safety and Health, na maaring magdulot ng kapahamakan hindi lamang sa kanila kundi pati na rin sa mga nakapalibot sa kanila.
Sa kasalukuyang panahon, ang usapin tungkol sa occupational safety and health (OSH) ay napakahalaga sa Pilipinas.
Sa katunayan, sa buong Southeast Asia ang Pilipinas ang may pinaka-unang pamantayan o libro patungkol sa Occupational Safety and Health Standards na nailimbag pa noong 1978, panahon pa ng pangulong Ferdinand E. Marcos Sr., at lalong pinagtibay ng pamahalaang Rodrigo R. Duterte noong 2018 sa bisa ng RA11058.
Ngunit nakakalungkot isipin na ayon sa datos ng Department of Labor and Employment (DOLE), marami pa ring mga manggagawa sa bansa ang hindi nakikita ang tamang proteksyon at seguridad sa kanilang mga trabaho.
Tulad nalang ng napanood nating balita na sunog sa Malasiqui, mga kabahayang tinupok ng apoy sa likod ng isang gasolinahan, kung maayos sana ang pagkaimbak ng flammables at sumunod sa Safety Standard ang mga tao di sana’y hindi napinsala ang kanilang mga ari-arian.
‘Yung elevator ng SM City Baguio, na kumitil sa buhay ng isang manggagawa noong nakaraang taon. Wala man lang sign na under maintenance!
Mga aksidente sa lansangan dahil sa kapabayaan ng pag-check sa safety ng sasakyan at ng mismong driver bago ito tumulak sa biyahe. Sa lansangan pa rin, may mga butas sa kalasada na walang Safety Signs, kaya tuloy nagdudulot ng aksidente sa ating mga motorista. Sino ba ang may sala? Mga nasiraan na walang early warning device o kaya ay alanganing parking sa gilid ng kalsada, walang hazard light.
Mga construction worker natin na wala man lang safety gear o equipment sa pagtupad ng kanilang trabaho. Simpleng hard hat at safety shoes di makitang ginagamit, nasaan ang harness kung aakyat sa mataas na lugar, at iba pa.
Mga pagtatapon ng hazardous waste, electrical waste, at medical waste, kung saan-saan lang na maaaring magdulot ng pinsala sa ibang tao. Pangkarinawang tanawin, na ang mga taga-hakot ng basura na wala man lang safety equipment katulad ng gloves, sapatos o face mask.
Bilang Safety Officer 2 na accredited ng OSH, hindi natin mawari kung saan ba nagkukulang ang gobyerno natin o sadya bang matigas lang ang ulo ng ating mga manggagawa o mga employer at ayaw sumunod sa Safety Protocols.
Magbibigay tayo ngayon ng ilang mga nakikita nating dahilan kung bakit hindi gaanong pinapahalagahan ang OSH sa Pilipinas.
Una, maraming mga maliliit na negosyo at micro-enterprises sa bansa, na hindi gaanong nakikita ang implementasyon ng mga safety protocols at regulasyon. Wala man lang silang safety officers, kung meron man accredited ba sila ng OSH at DOLE? Mahigpit ba nilang ipinapatupad ang standards ng OSH o sa report lang nagagawa?
Pangalawa, may mga ilang mga industriya na hindi gaanong nakikita ang priyoridad sa kalusugan at kaligtasan ng mga manggagawa, tulad ng mga nasa construction, manufacturing, at agrikultura. Hangga’t walang nagyayaring insidente wala silang ginagawang aksyon. Madalas for compliance lang ang meron sila pero sa implementasyon ay wala.
Ngunit huwag tayong mawalan ng pag-asa dahil mayroon ding mga positibong pagbabago sa usapin ng OSH sa Pilipinas. Ang DOLE, sa pamamagitan ng Occupational Safety and Health Standards (OSHS), ay nagpapatupad ng mga regulasyon at guidelines upang masiguro ang kaligtasan at kalusugan ng mga manggagawa. Ang tanong, hanggang saan na ang nasasaklaw nila? Ilang porsyento ng kabuuang industiya ang nakakaalam nito, at sa mga may alam na, ilan sa kanila ang sumusunod?
Mayroon din naman daw mga organisasyon at grupo na nagtataguyod ng mga karapatan ng mga manggagawa at nagbibigay ng suporta sa mga isyu tungkol sa OSH. Pero parang hanggang Employee Compensation lang sila at Hazard Pay lang ang alam. Nasaan ang pagtuturo sa mga empleyado para sa kanilang safety?
Sa pangkalahatan, mayroon pa ring mga dapat gawin upang mapabuti ang kaalaman at implementasyon ng OSH sa Pilipinas. Kailangan ng mas malawak na kampanya upang turuan ang mga manggagawa at employer tungkol sa kahalagahan ng OSH.
Kailangan din ng mas mahigpit na implementasyon ng mga regulasyon at guidelines upang masiguro ang kaligtasan at kalusugan ng mga manggagawa.
Sa mga Pilipino, mayroon pa ring mga dapat malaman tungkol sa OSH. Marami pa ring mga manggagawa ang hindi nakikita ang tamang proteksyon at seguridad sa kanilang mga trabaho. Kailangan ng mas malawak na kaalaman at pagkilos upang mapabuti ang usapin ng OSH sa bansa.
Ulit, bilang isang Safety Officer 2, narito ang ilang mga suhestiyon upang mapabuti ang kaalaman at implementasyon ng OSH sa Pilipinas:
Kampanya sa edukasyon: Kailangan ng mas malawak na kampanya upang turuan ang mga manggagawa at employer tungkol sa kahalagahan ng OSH. Kung maaari itong ilakip sa paaralan sa murang gulang ng kabataan, mag-seminar sila para mas maganda.
Nariyan din ang napakaraming social media platform na makatutulong sa information decimination patungkol sa OSH. Handang tumulong ang KSPHO sa programang ito kung mayroon man.
Implementasyon ng regulasyon: Kailangan ng mas mahigpit na implementasyon ng mga regulasyon at guidelines upang masiguro ang kaligtasan at kalusugan ng mga manggagawa.
Suporta ng mga organisasyon: Kailangan ng suporta ng mga organisasyon at grupo na nagtataguyod ng mga karapatan ng mga manggagawa at nagbibigay ng suporta sa mga isyu tungkol sa OSH.
Pagtutulungan ng mga sektor: Kailangan ng pagtutulungan ng mga sektor, tulad ng gobyerno, pribadong sektor, at mga organisasyon, upang mapabuti ang usapin ng OSH sa bansa.
Sa pamamagitan ng pagkilos at pagtutulungan, maaaring mapabuti ang usapin ng OSH sa Pilipinas at masiguro ang kaligtasan at kalusugan ng mga manggagawa.
Bago ako magtapos nais ko lang batiin ang BOSH SO2 Batch 3 2019 sa pangunguna ni manong Roi Alvarado SO2 ng transport group at madam Dorlagen Mendoza OSH Director ng DeVera Medical Center. At syempre ang taong nagpamulat ng Safety sa amin, ang aming BOSH Advisor Reygie Ocang.
Good blog! I truly love how it is easy on my eyes and the data are well written. I’m wondering how I might be notified when a new post has been made. I have subscribed to your RSS feed which must do the trick! Have a great day!