CIDG CHIEF 3 STAR GENERAL NA!
AGAW-PANSIN ang muling pagkikita sa publiko ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., at ang kontrobersiyal na hepe ng Criminal and Investigation and Detection Group (CIDG) Police General Nicholas Torre III, sa Malacañang, Abril 7, 2025, araw ng Lunes, habang kabilang si Torre sa 39 na opisyal ng pambansang pulisya na tumanggap ng promosyon.
Si General Torre ang nagpakita ng katapangan at katapatan, kasunod sa matagumpay na pagka-aresto kay Kingdom of Jesus Christ pastor Apollo Quiboloy, kasunod sa pag-aresto nito kay dating Pangulong Rodrigo Duterte noong Marso 11, 2025, sa kasong crime against humanity, na nag-resulta sa pag-surender ng pamahalaan kay Digong Duterte sa International Criminal Court (ICC).
Ang 39 na opisyal ng PNP ay binubuo apat (4) na Police Lieutenant Generals, 11 na Police Major Generals at 24 na Police Brigadier Generals.
Sa talumpati ni Pangulong Marcos, nilinaw ng Pangulo, na ang pag-angat ng kanilang ranggo ay kaakibat ng mas malaking responsibilad sa hanay ng Pulisya.
Pinagdiinan ng pangulo na dapat may paggalang sa Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas at tuparin ang sinumpaang tungkulin bilang taga-pagpatupad ng batas.
(Joseph Suguitan)

Everything is very open and very clear explanation of issues. was truly information. Your website is very useful. Thanks for sharing.