May pag-ibig pa?… Lito Lapid, kinakaladkad ni Azenith Briones kung saan-saan
ISANG bukas na aklat na ang relasyong Lito Lapid at Azenith Briones. Matagal na ang kanilang pag-iibigan sapul pa noong mga unang taon ng 1980s.
Sa katunayan, nag-live in pa ang dalawa sa Horseshoe Village sa Quezon City.
Gayunman, tapos na ang kanilang romansa kundi magkaibigan na lamang sila.
At nang dahil sa pinagsamahang ito, mananatili ang koneksyon nila sa bawat isa.
Kamakailan, parang pinagtiyap ng pagkakataon na kapwa sila nasa Cebu bagamat magkaibang lugar pero nag-usap na silang may lakad sila sa bahaging ‘yon ng Visaya.
Dadalaw ang aktres at beauty queen sa Bai Foundation ng aktor na si Lito Gruet at mangamgampanya naman si Lito sa Sibonga kung saan binisita niya ang simbahan ng Nuestra Señora del Pilar na ibinabangong muli ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone (TIEZ) matapos itong gumuho noong 2021.
Kahit magkaiba ang iskedyul, kinakaladkad ni Azenith kahit man lang ang imahen ng dati niyang kasintahan kung saan-saan para ipangalandakan.
Sa Cebu, pinagwagayway niya ng poster ni Lapid ang mga Cebuano.
Gayundin naman sa Laguna kung saan nagdikit si Briones ng mga tarpulin ng action star na kakandidatong senador.
May espesyal pa bang pagtingin si Azenith sa action star?
“Mahal ko na lang bilang kaibigan si Lito,” pahayag ng 1975 Mutya ng Pilipinas Miss Photogenic.
‘Yon na.
(Boy Villasanta)

Simply wanna state that this is extremely helpful, Thanks for taking your time to write this.