BJMP Tinambangan: 2 Chinese Nationals, 4 na Pinoy, Timbog sa Parañaque City
Abril 7, 2025 | TINAMBANGAN ng mga armadong kalalakihan ang isang transport vehicle ng Bureau of Jail Management ang Penology (BJMP), matapos dumalo sa isang hearing sa Makati City Regional Trial Court.
Ayon sa ulat na natanggap ng RoadNews, habang pabalik na ang transport vehicle sa Parañaque City Jail, na lulan ang 37-anyos na si Si Hu Yang, isang Chinese
national, ay tinambangan umano sila ng dalawang sasakyan, isang Sedan na kulay itim at isang Mitsubishi Xpander na kulay itim.
Naganap ang pananambang sa Cavitex, at doon ay nagkaroon ng palitan ng putok na ikinasugat ng isang Jail Officer.
Agaran namang rumesponde ang SWAT Parañaque sa bisa ng Hot Pursuit Operation na humantong sa pagka-aresto sa anim na suspek, matapos bumangga ang sinasakyang Xpander ng mga ito sa isang puno.
Kabilang sa anim na naaresto ay 2 Chinese nationals at 4 na Pilipino. Patuloy na iniimbestigahan ang motibo ng mga suspek sa pananambang.
(RoadNews Investigative Team)

Hmm is anyone else experiencing problems with the images on this blog loading? I’m trying to figure out if its a problem on my end or if it’s the blog. Any responses would be greatly appreciated.