17 OFWs SA QATAR, ABSWELTO
MASAYA ang Palasyo ng Malacañang sa pagpapawalang sala sa 17 OFWs na hinuli ng mga awtoridad sa Qatar, noong Marso 28, 2025, dahil sa paglahok sa hindi otorisadong political rally.
Ayon kay Palace press officer Atty. Claire Castro, mabilis ang action na ginawa ng Philippine Embassy sa utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., na lutasin sa lalong madaling panahon ang sinapit ng ating mga kababayan sa nasabing bansa.
Ani Atty. Castro, ipinaabot ni Qatari Ambassador to the Philippines Ahmed Saad Al- Homidi, ang magandang balita na bukod sa pagpapalaya sa ating mga kababayan ay pinawalang sala rin sila, sa naganap na pagpupulong nila ni Pangulong Marcos.
(Joseph Suguitan)

As a Newbie, I am always browsing online for articles that can help me. Thank you