Cauayan City, Finalist sa 2025 Blomberg Mayor’s Challenge!

kspho

KSPHO ni Darwell Baldos

Bilang isang mamamayang isinilang at nagkamalay sa Syudad ng Cauayan, lubos akong nagagalak at ipinagmamalaki ang pagkakatalaga ng ating lungsod bilang isa sa mga Finalist sa prestihiyosong 2025 Bloomberg Mayors Challenge.

Ang tagumpay na ito ay hindi lamang simpleng pagkilala kundi isang makasaysayang pagpapatunay sa husay at dedikasyon ng ating mahal na alkalde, Mayor Jaycee Dy, Vice Mayor Benjie Dy, at lahat ng mga City Councilors.

Mayor Jaycee, maraming salamat sa iyong buong pusong paglilingkod at sa iyong malawak na vision para sa Cauayan City. Ang iyong proyektong Dengue Early Warning System na naging dahilan ng ating pagiging finalist ay nagpapakita ng iyong malasakit sa kalusugan at kapakanan ng bawat Cauayeño. Hindi lamang nito ililigtas ang mga buhay mula sa dengue, kundi ipinapakita rin nito ang kakayahan ng ating lungsod na makipagsabayan sa mga pinakamahuhusay na siyudad sa buong mundo.

Ang iyong liderato, Mayor Jaycee, ay nagbigay ng bagong mukha sa Cauayan – isang lungsod na progresibo, matatag, at puno ng pag-asa. Mula sa mga programang pang-kalusugan hanggang sa mga inobasyon sa urban development, patuloy mong pinapatunayan na ang Cauayan City ay hindi lamang pangunahing lungsod sa Isabela at Region 2 kundi isa na ring GLOBAL PLAYER sa larangan ng smart at sustainable urban governance.

Kasabay ng pagbati sa ating lungsod, nais ko ring batiin ang mga kapwa nating finalist mula sa Pilipinas – ang Pasig City at Naga City. Ang inyong mga proyekto ng floating parks at AI-powered flood warning system ay nagpapatunay lamang na ang mga lungsod sa Pilipinas ay puno ng talento at kakayahan. Kayo ay inspirasyon sa amin at sa buong bansa.

Ngunit higit sa lahat, nais kong bigyang-diin na ang tagumpay na ito ng Cauayan, Pasig at Naga City ay simula pa lamang. Sa patuloy na suporta at pagtutulungan ng lokal na pamahalaan at mamamayan, naniniwala akong mas lalo pa tayong aangat.

Mabuhay ka, Mayor Jaycee Dy! Mabuhay ang Cauayan City – ang aming tahanan, ang aming pangarap, at aming ipinagmamalaki sa buong mundo!