Data-driven, curriculum reform, dapat naka-angkla sa badyet ng CHED- Cayetano
Ni Ernie Reyes
Nanawagan si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano sa Commission on Higher Education (CHED) na gawing mas “data-driven” at may pananagutan ang paggamit ng pondo na nagpapakita ng pangmatagalang reporma sa mas mataas na edukasyon.
Sa pahayag, sinabi ni Cayetano, dating chairman ng Senate committee on higher education na kailangan magpakita ng pangmatagalang reporma ang badyet ng ahensiya upang mapabiuti ang access ng kabataan at makita ng performance ng bawat unibersidad.

“The CHED should be guided by science and be data-driven. Let’s get the data and see what we can do together,” ani Cayetano.
Sa pagdinig ng Senado sa 2026 budget ng CHED nitong akamakailan, ilang senador ang nagpahayag ng pangamba sa P32.49-bilyong pondo ng ahensya sa susunod na taon dahil sa patuloy na pagbaba ng alokasyon sa mga student financial assistance programs tulad ng Tertiary Education Subsidy (TES) at Tulong Dunong Program (TDP).
Bagama’t tumataas ang bilang ng mga estudyante sa pampubliko at pribadong kolehiyo at unibersidad, patuloy pa rin ang pagbabawas sa pondo sa mga programang ito.
Ayon kay CHED Commissioner Shirley C. Agrupis, nakatuon ang 2026 plan ng ahensya sa mga state universities and colleges (SUCs), scholarship programs, at suporta sa research.
Gayunpaman, inamin niya na may mga hamon sa pagpapatuloy ng benepisyo ng iskolar sa ilalim ng Free Higher Education Law (RA 10931), lalo na sa mga nag-aaral sa mga pribadong paaralan.
Binigyan din ng pansin ng ilang senador ang mababang paggamit ng pondo at pagkaantala sa pagpapatupad ng mga proyekto sa SUCs, gayundin ang mga natuklasan ng Commission on Audit (COA) hinggil sa mabagal na liquidation ng scholarship funds at hindi pare-parehong monitoring ng performance ng mga paaralan.
Giit ni Cayetano, na dating chair ng Senate Committee on Higher, Technical, and Vocational Education, dapat nang ipatupad ang performance-based budgeting at palakasin ang accountability mechanisms ng CHED at mga attached institutions nito.
Suportado rin nito ang “ACHIEVE” 7-point agenda ng CHED na nagtataguyod ng access, quality, at institutional resilience sa mga higher education institutions.
Muli rin niyang hinikayat ang pagtatatag ng Third Congressional Commission on Education (EDCOM III) na layuning repasuhin at iayon ang buong sistema ng edukasyon upang masiguro na ang mga polisiya at pondo ay nagtutulak ng employability, innovation, at inclusive growth.
“If we are to produce a globally competitive workforce and make education the true driver of national development, we need decisive, coordinated action,” wika no Cayetano.
“By laying the groundwork for a truly cohesive and responsive education system, we aim to transform the nation by building the right foundations,” dagdag niya.
Ernie Reyes nag-uulat para sa RoadNews