DPWH infra funds, babawasan ng 15-20 Porsyento – Sotto
Ni Ernie Reyes
Nakatakdang bawasan ng Senado ang infrastructure funds ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na aabot sa 15% hanggang 20% ng kabuuan upang lusawin ang overpricing sa public works tulad ng farm-to-market roads at bypass roads, ayon kay Senate President Vicente Sotto III.
Sa panayam, sinabi ni Sotto, na nakapag-usap siya kay Senador Sherwin Gatchalian, chairman ng Senate Committee on finance hinggil sa planong pagbabawasan ng infra funds matapos matuklasan ng huli ng ilang overpricing.

“Across the board, ika-cut namin between 15% to 20% ang pondo ng bawat proyekto,” ayon kay Sotto.
Sinabi ni Sotto na ipinanukala ang pagbabawas matapos aminin ng ilang district engineers at opisyal ng DPWH na itinataas ang presyo ng bawat proyekto upang may maibigay sa proponents nito.
Kamakailan, ibinulgar nina dating District Engineer Henry Alcantara at Engr. Bryce Hernandez na tumanggap ng kickback ang ilang senador tulad nina Senador Joel Villanueva, Senador Jinggoy Estrada at dating Senate President Francis “Chiz” Escudero.
Naunang natuklasan ni Gatchaian ang P10.3 bilyon na halaga ng overpriced na farm-to-market roads mula 2023 hanggang 2024 sa ginanap na budget deliberations ng Department of Agriculture.
Iniutos din ni Sotto ang imbestigasyon sa pagpapatayo ng super-health center sa iba’t-ibang bahagi ng bansa na aabot sa 300 ang ilang ang hindi ginagamit.
Inihayag din ni Sotto na nakatakda nang isumite ang committee report sa maanomalyang flood control projects sa Department of Justice (DOJ), Independent Commission for Infrastructure (ICI), at Office of the Ombudsman.
Samantala, kinumpirma naman ni Sotto na nakipagpulong ito kay Senate Blue Ribbon Committee acting chair Erwin Tulfo upang pag-usapan ang direksiyon ng imbestigasyon.
Idinagdag pa ni Sotto na maaaring makumbinsi ng majority bloc si Senate President Panfilo Lacson na bumalik sa blue ribbon committee bilang chairman matapos itong magbitiw.
“At the very least, 50/50 [Lacson would return],” Sotto said. “Baka mapilitan [kasi] gusto namin [majority],: ayon kay Sotto.
“Bago mag Nov. 10, malinaw na tayo,” giit ni Sotto.
Ernie Reyes nag-uulat para sa RoadNews