SANGKOT SA SMUGGLING NG MACKEREL SA SUBIC, IKINULONG SA SENADO

0

Ni Ernie Reyes

Dumami na ang indibiduwal ang ikinulong sa Senado matapos kasuhan ng contempt hinggil sa pagsisinungaling sa illegal na pag-aangkat ng frozen mackerel sa Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) sa ginanap na imbestigasyon, ayon kay Senador Francis “Kiko” Pangilinan.

Sa pahayag, sinabi ni Pangilinan, chairman ng Senate committee on agriculture, food and agrarian reform, na kinasuhan ng contempt ang ilang opisyal ng Bureau of Customs at brokerage company sa  inimbestigahang   multi-million-peso agricultural smuggling nitong Lunes, Oct. 20.

Kabilang sa ikinulong sa Senado sina   Mr. Erwin Pascual of EPCB Consumer Goods Trading, Bureau of Customs-Port of Subic Deputy Collector for Assessment Andrew Malcolm Calixihan, at BOC-Port of Subic Acting Customs Operations Officer Mary Anabelle Gubaton.

Tinukoy ni Pangilinan ang “inconsistencies” sa testimonya ni Gubaton hinggil sa pagpapalabas ng   misdeclared agricultural shipments mula sa Port of Subic, sa kabila nang kakulangan ng mahahalagang dokumento.

Kinuwestiyon din niya ang pahayag ni Gubaton na hindi nito nakikilala si Mr. Chuggs, na isang dispatcher na responsible sa pag-uutos sa tatlong truck driver na ibiyahe ang ipinuslit na frozen mackerel palabas ng Port of Subic.

Kasabay nito, itinanggi din ni Calixihan na kilala nya si Mr. Chuggs kaya napilitan si Pangilinan na Iginiit na inililigaw nito ang komite dahil sa hindi nagkakatugma-tugmang testimonya.

“There is a difference between not being able to explain it and saying, giving us testimony that is untruthful, and therefore, we will move to cite you in contempt of this Committee, Mr. Calixihan. Your explanation is unacceptable and does not satisfy this Committee,” ani Pangilinan.

Kinasuhan din ng contempt si Pascual matapos nitong iligaw ang pang-uunawa ng komite na hindi nito kilala ang isang broker na si   Ellaine Joy Gedaria.

“This inconsistency was particularly concerning, as he had identified her as the declarant for the 14 containers listed in the annexes of his affidavit. Additionally, Pascual had listed his nephew as the owner of EPCB, even though he later admitted to being the true owner himself,” ayon kay Pangilinan.

Naunang pinayagan ni Pangilinan na bigyan nang pansamantalang kalayaan si  Brenda de Sagun ng Berches Consumer Goods Trading upang kumalap ng dagdag na dokumento at hanapin ang isang Mr. Vicente. 

Ernie Reyes nag-uulat para sa RoadNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *