ATTY. RODRIGUEZ SA NANGANGALAMPAG SA IMPEACHMENT: ‘IPOKRITO AT HANGAL’

TINAWAG na ipokrito at hangal ni dating executive secretary Vic Rodriguez ang mga grupong nangangalampag para ituloy ang impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.
Sa Facebook page ay nag-post si Atty. Rodriguez, ng maikling mensahe nitong Linggo patungkol sa maiingay sa isyu ng impeachment ngunit wala aniyang imik sa mga anomalyang ibinabato sa administrasyong Marcos Jr. Partikular niyang tinukoy ang ‘anomalya’ sa 2025 national budget, PhilHealth fund transfer at bilyong flood control budget. “Hypocrites and fools,” ang titulong mababasa sa post ni Rodriguez.
“Sa mga ‘𝐄𝐃𝐔𝐂𝐀𝐓𝐎𝐑𝐒’ at ‘𝐁𝐀𝐍𝐀𝐋’ na nananawagan ng transparency at accountability, bakit ang ingay ninyo sa impeachment pero 𝐁𝐔𝐒𝐀𝐋 ang bibig sa 𝐀𝐍𝐎𝐌𝐀𝐋𝐘𝐀 ng 𝐆𝐀𝐀, 𝐏𝐇𝐈𝐋𝐇𝐄𝐀𝐋𝐓𝐇 at 𝐅𝐋𝐎𝐎𝐃 𝐂𝐎𝐍𝐓𝐑𝐎𝐋? tanong pa niya.
“Sa mga “deeply committed to truth, justice and rule of law” sa mga humihingi ng ‘due process at equal protection of the laws’, bakit hindi ninyo tuligsain at tugisin ng buong sigasig ang Marcos 𝟐𝟎𝟐𝟓 𝐔𝐍𝐂𝐎𝐍𝐒��𝐈𝐓𝐔𝐓𝐈𝐎𝐍𝐀𝐋 national budget?,” base pa sa post.
Pinayuhan ni Atty. Rodriguez ang publiko na maging mapanuri at huwag anyang magpamanipula sa mga unibersidad, relihiyon at personalidad na huwad ang pakikipaglaban sa korapsyon.
Nauna nang nangalampag ang UP College of Law at De La Salle University sa pagkaantala ng impeachment ni VP Sara. Nakiisa na rin dito ang Ateneo School of Governance at iba pang educational institutions sa bansa maging ang grupo ng mga retiradong hukom at law experts.
Iginiit din ng Philippine Bar Association (PBA) na malinaw ang utos ng Konstitusyon na kailangan magsagawa ng impeachment trial ang Senado laban kay Duterte.
Sinabi ng PBA, hindi pwedeng balewalain ng Senado ang kaso o idaan sa boto kung itutuloy ito o hindi.
Ayon sa kanila, obligasyon ito ng Senado at hindi opsyon, lalo’t nakasaad sa Konstitusyon na ang paglilitis dapat agad na isagawa.
Iisa lang ang alam ng mga Pilipino na ang impeachment laban kay VP Sara ay pulitika at malinaw na gusto siyang tanggalin bilang vice president para hindi na siya makatakbo sa 2028 Presidential Elections.
At kung pagbabasehan naman ang kampo ni VP Sara ay gusto nilang matuloy ang impeachment, sa katunayan ay handa na ang kanyang legal team na magtatanggol sa pangalawang pangulo.
Balik tayo sa sinasabi ni Atty. Vic Rodriguez. Tama ang kanyang sinasabi na bakit hindi tignan ng mga nangangalampag sa impeachment ang kwestiyunableng 2025 national budget. Silipin nila kung tama ba ang ginawa ng BBM Administration? Bilyun-bilyong piso ang pinag-uusapan sa 2025 National Budget.
Mas malaking pera ang pinag-uusapan sa 2025 National Budget kung ikukumpara sa inaakusa nila kay VP Sara na mahigit 100 milyong piso lamang.
Minsan nang sinabi ni Ombudsman Samuel Martires sa pagdinig sa Kamara na kapag hiningan ng resibo ang confidential fund ay hindi na itong matatawag na confidential fund.
Kahit ano pa ang atakeng ginagawa ng BBM administration sa mga Duterte ay hindi pa rin ito nagpapatinag sa suporta ng mga Pilipino sa pamilyang Duterte. Napatunayan na yan nitong nakalipas na 2025 Midterm Election.
Abangan na lang natin ang mangyayari pagkatapos ng impeachment trial.