MAYOR JAYCEE DY: MGA PAMBIHIRANG NAGAWA PARA SA SYUDAD NG CAUAYAN

BILANG taga-Lungsod ng Cauayan, hindi lingid sa ating kaalaman na sa panahon ng kanyang panunungkulan, si Mayor Jaycee Dy, ay patuloy na nagbibigay ng inspirasyon sa kanyang mga nasasakupan, sa pamamagitan ng mga kongkretong programa at proyektong nagdudulot ng tunay na pagbabago at nararamdaman ng mamamayan.
Narito ang ilan sa mga natatanging nagawa niya para sa lungsod:
Umpisahan natin sa Modernong Agri-Tourism at Ekonomiya, Smart City Farm at Agri-Tourism Hub: Pinalakas ni Mayor Jaycee ang agrikultura sa pamamagitan ng modernong pagsasaka at farm tourism, na nagbibigay ng dagdag-kita sa mga magsasaka.
Negosyo at Livelihood Programs: Suportado ang maliliit na negosyo sa pamamagitan ng skills training at pondo para sa mga micro-entrepreneurs
World-Class na Imprastraktura at Serbisyo: Cauayan City Convention Center. Isang modernong pasilidad na naglatag ng mas maraming oportunidad sa turismo at negosyo.
Libreng Gamot at Health Services: Pinalawak ang serbisyong pangkalusugan, lalo na para sa mga senior citizens at PWDs.
Malinis na Tubig at Efficient Drainage System: Tinitiyak ang maayos na water supply at flood control para sa mga residente.
Edukasyon at Kabataan: Libreng School Supplies at Scholarships, suportado ang mga estudyante sa pampubliko at pribadong paaralan.
Digital Learning Tools: Inihain ang teknolohiya sa mga mag-aaral para sa mas modernong edukasyon.
Peace and Order, Disaster Resilience: Enhanced CCTV Monitoring at Anti-Crime Campaigns, mas ligtas ang mga mamamayan dahil sa aktibong kampanya laban sa krimen.
Malakas na Disaster Response Team: Mabilis ang aksyon sa mga sakuna tulad ng bagyo at pagbaha.
Sustainable Environment at Green Initiatives: Urban Greening Projects. Maraming puno at parke ang naipatayo para sa mas malinis at preskong hangin.
Eco-Waste Management: Mahigpit na kampanya laban sa plastic at tamang waste disposal.
Ang Tunay na Lider: Serbisyo, Progreso, at Malasakit! Hindi lamang pangako ang ibinibigay ni Mayor Jaycee Dy, kundi gawa. Sa kanyang dedikasyon, ang Cauayan ay patuloy na umaangat bilang isang modelong lungsod sa Hilagang Luzon.
Salamat, Mayor Jaycee Dy, sa iyong pusong busilak na mayroong malasakit, para sa Lungsod ng Cauayan!!! Saludo ako sa inyo!