PhP 200 across the board wage hike: EPEKTO SA NEGOSYO AT EKONOMIYA

Vinz Taby

ANG panukalang ₱200 across-the-board wage increase ay hindi lamang simpleng usapin ng pagtaas ng sahod, ito ay may malalim at kumplikadong implikasyon sa negosyo, empleyo, at pambansang ekonomiya.

Pag-usapan natin ang tunay na epekto nito sa iba’t ibang sektor ng negosyo. Hindi pare-pareho ang epekto ng wage hike sa lahat ng negosyo. Depende ito sa laki, industriya, at kakayahan ng negosyong mag-absorb ng dagdag gastos.

   Halimbawa, ang mga micro at small enterprises (MSEs). Ang mga karinderya, sari-sari store, at maliit na manufacturing ay karaniwang may maliit na profit margin. Kung hindi makakapagtaas ng presyo o magbawas ng ibang gastos, maaaring: Magbawas ng empleyado (layoffs o reduced working hours). Magshift sa automation halimbawa, self-service kiosks sa mga kainan. Ipasa sa consumer ang pagtaas ng presyo, na magpapalala sa inflation.

   Sa mga medium at large enterprises naman, na may mas malaking cash cushion, ngunit hindi lahat ay kikita nang sapat para i-cover ang dagdag sahod. Ang labor-intensive industries, halimbawa, ang mga manufacturing, BPO at retail, ay mas vulnerable. Pwedeng magresulta sa: Paglipat ng negosyo sa mas murang bansa (offshoring) Pagbabawas ng expansion plans (fewer job opportunities in the future).

   Tignan naman natin ang Macroeconomic Implications: Inflation, Unemployment, at Competitiveness. Ang wage hike ay hindi nakahiwalay sa mas malaking ekonomiya at may domino effect ito.

   Una, ang Inflationary Pressure, kapag nagtaas ng sahod, tataas din ang production cost. Ang mga negosyo na hindi kayang absorbin ang gastos ay ipapasa ito sa consumers mas mahal na bilihin. Kung hindi kontrolado, baka magdulot ng “wage-price spiral” o paulit-ulit na pagtaas ng sahod at presyo.

   Pangalawa, Unemployment Risk: Ayon sa Philippine Institute for Development Studies (PIDS), ang biglaang malaking wage hike ay maaaring magdulot ng job losses, lalo na sa informal sector. Ang mga negosyong hindi makasabay ay magsasara o magre-restructure.

   Pangatlong maapektuhan ang Competitiveness ng Pilipinas worldwide. Kung masyadong mataas ang labor cost, baka mawalan ng gana ang foreign investors. Mas pipiliin nila ang Vietnam, Indonesia, o India na di hamak na mas mababa ang minimum wage.

   Kung nakita natin at na identify ang mga problema, malamang may nakikita rin tayong mga posibleng solusyon para sa Sustainable na Wage Increase. Hindi sapat ang simpleng pagtaas ng sahod, kailangan ng holistic na approach.

   Tulad nalang ng suporta mula sa gobyerno. Subsidy at Tax Breaks para sa MSMEs;  Training at Productivity Programs para mas efficient ang workforce; Staggered Implementation halimbawa, insead na minsanan gawing ₱50/year sa loob ng 4 taon

   Maaari ring pagtuunan ang pagpapalakas ng negosyo tulad ng Encourage Digitalization o bawasan ang labor dependence; Diversify Revenue Streams o maghanap ng ibang paraan para kumita

   Pinaka huli ay ang paghahanap ng Alternatibo sa Across-the-Board Increase. Tulad ng Sector-Specific Wage Adjustments, mas mataas sa manufacturing, mas mababa sa agri; Regional Wage Hikes, mas malaki sa Metro Manila, mas maliit sa probinsya.

   Kung ano pa man ang kahihinatnan ng usaping wage hike, ang opinion ko lang ay Balanse ang Kailangan. Ang layunin ng wage hike ay marangal na sahod, ngunit kailangang isaalang-alang ang kakayahan ng negosyo na mag-survive. Kung ipipilit nang walang tamang suporta, posibleng mas marami ang mawalan ng trabaho kaysa sa makinabang. Dapat magtulungan ang gobyerno, negosyante, at manggagawa para sa isang wage system na sustainable, competitive, at makatarungan para sa lahat.

   Sa mga mambabatas na nagpanukala nito, dapat ay silipin natin ang lahat ng anggulo, hindi yung papogi lang ang layunin nyo.